EDITORYAL - Tanggihan ang regalo para walang isyu
(Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

HANGGANG ngayon, usap-usapan pa rin ang tungkol sa regalo na naiuugnay sa “lagay” kapag tinanggap ng police personnel o government official. Lalo pa itong naging mainit na isyu nang sabihin ni President Duterte na wala namang masama kung tanggapin ng pulis ang regalo mula sa taong tumatanaw ng utang na loob o nagpapasalamat.

Mula nang sabihin ito ng Presidente, marami nang naglabasang kuru-kuro at mga opinyon. Binabalewala raw ng Presidente ang batas na nagbabawal sa mga tauhan o empleyado ng gobyerno na tumanggap ng anuman, kahit regalo pa ito. Hindi raw ba alam ng Presidente ang batas na may kaugnayan dito.

Ayon sa mga kritiko tila nakakaligtaan ang nakasaad sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na mahigpit na nagbabawal sa pag-solicit o pagtanggap ng anumang regalo, at anumang may kinalaman sa pera sa sinumang tao na ang katungkulan ay may kinalaman sa operasyon ng isang tanggapan.  Ayon sa batas, kapag tumanggap ang opisyal o empleyado, maaapektuhan ang functions ng nasabing tanggapan.

Maliwanag ang batas: Bawal tumanggap ng anuman. Isang paglabag sa batas kapag tumanggap ang mga nasa gobyerno. Hanggang ngayon ang batas ay hindi naaamyendahan kaya walang pagbabago sa katuturan nito. Nakatagpo naman ng kakampi ang Presidente nang sabihin ni Sen. Ronald dela Rosa na walang masama kung tumanggap ng regalo bilang pagtanaw ng utang na loob o pagpapasalamat. Binanggit ng senador na may nagregalo sa kanya ng Lacoste at relo noon dahil nagpapasalamat sa kanya. Wala naman daw masama rito. Maski si PNP chief Gen. Oscar Albayalde ay inaming tumanggap din siya ng mga lechon sa mga mahahalagang okasyon.

Pero kahit ano pa ang sabihin, kahit pa bigay na ang hangarin ay nagpapasalamat, mayroon pa ring masasabi ukol dito lalo pa nga at ang tatanggap ay nagtatrabaho sa gobyerno o ang mga pulis. Maaaring tawaging “padulas” ito. Pinakamabu-ting magagawa, huwag tanggapin ang binibigay o nireregalo. Huwag na huwag. Ito ang dapat para walang isyu.

GOVERNMENT OFFICIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with