‘Most Promising Star’ sa Bureau of Immigration nasa balad ng alanganin
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MUKHANG mahihirapan ng makabangon sa kanyang panaginip este mali pagkalugmok pala si alyas Papa G, ang tinaguriang “most promising star,” ng mga taga-Immigration dahil sa mga pinangakuan nitong napako na pinaggagawa ng gagang hitad sa ilang binola niyang mga kasamahan sa bureau. 

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos hindi na ito makatulog sa lungkot na maaaring mangyari sa kanyang buhay oras na mapalitan ito sa trono na inuupuan niya sa ngayon.

Ika nga, malapit na siyang mag-say ‘goodbye’ sa iiwanan niyang kaharian.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dalawang tentacle units na hawak at ini-enjoy ni alyas Papa G ang inalis na sa kanya dahil sa katangahan at pagka-boba nito lalo na pagdating sa usaping ISO.

Ika nga, incompetence baga!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last month ay pinag-present si alyas Papa G, ng power point sa harapan ng mga bright people dyan sa Bureau of Immigration central office pero ang problema ay mukhang hindi alam nito, ang kanyang sinasabi at ginagawa basta pa-English-English lang ito sa harapan ng mga judges este mali panel of interviewers pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa unang presentation ni Papa G ay pumal­pak ito ng todo-todo na halos himatayin sa sama ng loob ang mga nakikinig sa kanya dahil sa mali-maling explanations.

Sabi nga, hindi nila maintindihan ang ipinaliliwanag? Hehehe!

Kaya naman sa kapalpakan ni alyas Papa G  ay pinatigil na ito sa kangangawa dahil iba ang sinasabi at iba rin ang ginagawa kaya tuloy buwist na buwisit ang mga nakikinig dito?

Naku ha!

Ano ba ito?

Hindi lang masabing boba si alyas Papa G, baka kasi sumama ang loob nito at tumalon sa immigration building. Hehehe! Ano kaya ang masasabi ni BI Commissioner Jaime Morente dito? 

Totoo ba ito, your Honor?

Kambiyo issue, last week ay rumesbak ang mga alipores ni alyas Papa G sa BI main office para ipagpatuloy ang mali-maling presentation ng hitad at sa tingin ng panel ay handang-handa na ang grupo ng una?

Sabi nga, sa mukha pa lang nila mukhang nag-aral?

Naku ha!

Ang problema ang mga alipores lang pala ni alyas Papa G, ang sumipot sa presentation pero ang hitad ay hindi dumating at nagpalusot na may meeting na dinaluhan.

Sabi nga, nagtago?

“Binigyan niya ng importansiya ang meeting na dinaluhan niya kaysa harapin nito ang kanyang mga bossing at ipaliwanag ang palpak na presentation noong una siyang maging guest sa main office,” sabi ng kuwagong bulakbol.

“Ang siste, ang mga alipores ni alyas Papa G, ay puro nakanganga nang umpisahan ang presentation,” sabi ng kuwagong hinimatay.

Sa madaling salita, wala rin silang alam lahat!

Ano ba ‘yan?

Abangan.

Si Raizo Enrique Ganias, 6

HULI man daw at magaling ay naihahabol din. ‘Yon nga lamang late pa rin!

Anyway belated Happy Birthday kay Raizo Enrique B. Ganias, 6 years old, ng Gapan, Nueva Ecija.

Maraming napasayang mga kaibigan, classmates, kamag-anak at kapamilya si Raizo nang ipagdiwang nito ang kanyang kaarawan the other day.

Maraming masasarap na pagkain ang inihanda ng kanyang mga magulang.

Ika nga, special!

Sabi nga, wow sarap!

BUREAU OF IMMIGRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with