Mga tiwali sibakin agad
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

DALAWANG cabinet members umano ang iniimbestigahan sa kasong korapsyon habang may 200 iba pang mataas na opisyal ng pamahalaan ang sumasailalim sa lifestyle check. Iyan ang pahayag ni Presidential Anti-Crime Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica.

Magandang balita iyan, Ngunit higit na magandang balita kung sisibakin na ang mga opisyal na mapatutu-nayang tiwali at maipaghaharap ng karampatang demanda sa kanilang kasong dapat panagutan.

Ayon kay Belgica, kasama sa tinatayang 15 opisyal na isinasailalim sa lifestyle check ang mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office sa pangunguna ng nagbitiw na PCSO Chief Alexander Balutan.

Ani Belgica, ang imbestigasyon sa dalawang cabinet officials ay nagsimula noon pang Pebrero ng taong ito, at inaasahang matatapos sa Oktubre o dalawang buwan mula ngayon para maaksyunan na ni Presidente Duterte. Sa tagal ng panahon ng pagsisiyasat, palagay ko naman ay may sapat ng ebidensya para kasuhan ang mga nasasangkot na opisyal.

Hindi muna pinangalanan ni Belgica ang dalawang cabinet officials na pawang incumbent o naglilingkod pa sa gabinete ni Presidente Duterte. Naniniwala ako na gagawan ng karampatang aksyon ng Pangulo ang mga opisyal na ito dahil iyan ang kanyang adbokasiya bilang Pangulo, ang linisin ang pamahalaan sa lahat ng uri ng katiwalian.

Marami sa mga opisyal na ito ang kilalang malapit sa Pangulo at makabubuting ang kanilang close relations sa Pangulo ay hindi magiging hadlang para sila matanggal sa puwesto at makasuhan. Lalong tataas ang kredibilidad at approval rating ng Pangulo kung sila’y malalapatan ng karampatang parusa.

Pero kung ang mga ito ay aalisin sa puwesto ngunit bibigyan ng bagong posisyon sa ibang tanggapan, ito ay magiging palatandaan na hindi sinsero ang kampanya ng pamahalaan sa paglilinis sa pamahalaan sa korapsyon.

Kapag napatunayang nagkasala, sibakin kaagad at ipagharap ng demanda dahil salapi ng taumbayan ang kanilang nilalaspag.

GRECO BELGICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with