Gaano na kalaspag ng tao ang mundo?
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

SETENTA porsiyento ng lupa sa mundo at sesenta’y sais porsiyento ng karagatan ay matindi nang nabago ng gawaing tao. Dumoble ang dami at lawak ng mga lungsod­ nito lang nakaraang tatlong dekada. Mahigit 85% ng tirahan ng ibon ay wasak na. Mahigit 90% ng isda ay hinuhuli nang lampas-lampas sa hangganan ng muling pagdami. Isang milyong species ng halaman at hayop -- mga sanhi ng oxygen, pagkain, gamot -- ang nanga­nganib ma-extinct. Ilan lang ‘yan sa 15,000 saliksik na pinagbatayan kung gaano nang kalaspag ang mundo sa tao. Nilabas ng United Nations ang ulat, anang The Economist, para ba­laan ang tao na siya mismo ay mawa­wala sa mundo kung hindi maghihinay-hinay.

Ang problema: may makikinig ba? Mismong America, at mayayamang bansa ay ayaw magpaawat sa urbani­sasyon at industriyalisasyon. Maraming beses nang sinikap ipatigil sa kanila ang pakikidigma at weapons testing. Marami nang international conference para bawasan ang polusyon, greenhouse gases, at climate change. Marami nang panawagan na tumigil na sa pagmina ng krudong langis, natural gas, at uling na nakakarumi sa hangin at pumapatay sa tao. Marami nang kasunduang sinuway sa pagtigil ng panghuhuli ng balyena, pating, atbp. Parang walang kamatayan ang asal ng lahat.

Pinupuwersa ang mga umuunlad na bansa na sila raw dapat ang manguna sa conservation, kontra-polus­yon, at kontra-paglalaspag ng kalikasan. Kesyo raw sila kasi ang pinaka-malalaking populasyon: China, India, Brazil, Russia, South Africa, Indonesia, at Pilipinas. Puma­palag naman ang mga ito na papaangat pa lang mula karalitaan ang mga tao nila -- samantala malaon nang nagpapasasa ang North America, Europe, at Japan.

Turuan sila sa isa’t isa na maysala -- habang naglalaho ang buhay.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

THE ECONOMIST UNITED NATIONS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with