Imbestigasyon sa POGO, dapat lang
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

NANGANGAMBA ang madlang Pinoy sa pagdami ng opera­tions ng POGOs sa Philippines my Philippines na may sangkaterbang Chinese nationals na mga employees at ang pina­kamasama pa rito inilagay pa ito sa isang lugar sa Cavite na malapit sa mga military camps.

Naku ha, delikado ito sa national security ng Philippines my Philippines. 

Sino kayang taong gobierno ang kinausap dito sa Cavite? 

Bakit kaya pumayag ang Pinoy na kausap?

Tiyak naganda ang naging usapan dito?

Naku ha!

May pera-pera kayang usapan dito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, duda at hustong imbestigahan ng Department of National Defense at ang National Security Advisor ang mga POGOs dahil hindi na ito biro sa seguridad ng Philippines my Philippines.

Totoo nagpasok ng limpak-limpak na salapi sa Republic of the Philippines ang POGO, P12 billion ang naibulsa este mali kinita pala rito ng PAGCOR ito ang naging major contributor sa ating ekonomiya.

Paano ngayon ang buhay ng madlang Pinoy o yong mga pobreng alindahaw?

‘Magkasya pa kaya ang pera nila sa bulsa para ipambili ng pagkain dahil tiyak magmamahal ang mga bilihin, upahan ng bahay at maging mga lupa.,’ sabi ng kuwagong naghihingalo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat makontrol ng mga autoridad ang pagdami ng mga Chinese sa Philippines my Philippines at imonitor sng mga gawain nila.

‘May mga nakikidnap at napapatay na Chinese dahil hindi makabayad ng salapi na inutang nila at pinatalo sa sugal.’  sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan. 

CHINESE NATIONALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with