Rice traders, inaabuso ang mga magsasaka
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - August 12, 2019 - 12:00am

SA kompetisyon sa negosyo, laging talo ang mga magsasaka sa mga dambuhalang mangangalakal ng bigas na nambabarat sa kanilang ani.

Ito’y malinaw na paglabag sa Philippine Competition Law.

Ito ay karaniwang nangyayari dahil mas may salapi at maimpluwensya ang mga negosyante kaysa mga nagpapatulo ng pawis at pinagmumulan ng kanilang kalakal. Kaya sang-ayon ako sa panukala ng isang mambabatas na imbestigahan ang kaso ng pananamantalang ito.

Dominante palibhasa ang posisyon ng mga traders sa merkado kaya nadidiktahan nila ang mga pobreng nag­tatanim ng bigas. Sa ibang maunlad na bansa, ang mga farmers ang pinakamayaman. Kinikilala na sila ang pinagmumulan ng kabuhayan ng isang bansa. Dito sa atin, magsasaka ang laging api na nabubuhay nang isang-kahig-isang-tuka.

Kaya ang rekomendasyon ni Assistant Minority Leader Stella Luz Quimbo, siyasatin ang anomalyang ito. Hindi lang sana pulos siyasat kundi magpataw ng karampatang parusa sa mga millers at traders na nagsasamantala.

Naturingan pa naman tayong agricultural country pero hindi natin pinaninindigan ang katawagang ito. Tuloy, marami sa farming sector ang ayaw nang magsaka. Pinapag-aral na ang kanilang mga anak ng ibang kurso at ang kanilang lupain ay ibinebenta na lang para maging subdivision.

Iyan naman yata ang Ibig mangyari ng mga oligarch sa ating lipunan. Ang mabura sa pagiging agricultural ang ating bansa porke mas madaling magkamal ng salapi kung aangkatin ang lahat ng kailangan ng taumbayan, pati na pagkain na puwede naman nating iprodyus sa ating bansa. Dahil sa kasuwapangan ng ilan, nagdurusa ang mga mahihirap.

Mahirap maging consumer country. Tayo na lang ang bili nang bili at walang ibinebenta. Talo ang mga mahirap at ang wagi ay yaon lamang mayayaman na. Kailangan nating mapanatili ang ating producer status dahil kung hindi na tayo makabili ng inangkat na kalakal, mayroon tayong sariling produktong magagamit.

PHILIPPINE COMPETITION LAW RICE FARMERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with