^

PSN Opinyon

Agosto 21

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

SINABI ni bagong Budget and Management Secretary Wendel Avisado na tiyak nang maisusumite sa Congress ang proposed 2020 national budget na umaabot ng P4.1 trillion. 

Tiniyak ni Avisado na kasalukuyan nang iniimprenta ang mga required documents na kinakailangang masu­mite sa Kongreso bago ang Agosto 21.

Kasi pagdating ng Agosto 21, may isang buwan na ang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Rodrigo­ Duterte na ginanap noong Hulyo 22.

Mahalaga na maisumite na ang nasabing proposed national budget alinsunod sa batas.

Ngunit ito ay dahil na rin para mabigyan ng sapat­ na panahon ang Lower House at ang Senado na aprubahan ang proposed budget bago matapos ang taon hindi gaya noong nangyari sa 2019 budget.

Pinirmahan ni President Duterte ang 2019 budget noong Abril na at may veto pa siya na nagkakahalaga ng P95-billion na sinasabing infrastructure projects ng mga congressmen.

Nakaapekto sa ating ekonomiya ang delayed o reenacted budget noong 2019.

Sana naman sa panahong ito na nangako naman si Avisado na tatapusin at maisumite na sa Kongreso ang proposed P4.1 trillion budget bago pa ang Agosto 21. 

vuukle comment

2020 NATIONAL BUDGET

WENDEL AVISADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with