Napakasustansiya ng nilagang kamote
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2019 - 12:00am

NAPAKARAMING benepisyo na makukuha mula sa pagkain ng kamote (sweet potato). Mabuti ito para sa puso, mata, tiyan, diabetes at nagpapapayat. Mura rin ito at mabibili sa buong taon sa mga palengke at supermarket.

Narito ang mga magagandang benepisyo ng kamote sa katawan:

  • Mayroon itong beta-carotene or provitamin A para sa mata, puso, pagbabara ng ugat at kakulangan ng daloy ng dugo sa mga ugat ng puso at ulo, at sa immunity.
  • Nababagay ang kamote sa may diabetes dahil ma­baba sa glycemic index kaya dahan-dahan magpataas ng asukal sa dugo. Puwede rin sa mga atleta, may mabigat na trabaho o nagpapagaling na may sakit.
  • Bagay din ang kamote sa nagpapapayat dahil ma­baba sa calories, matagal na busog kaya hindi ka makakakain ng marami.
  • Meron itong protease inhibitor na maaring makatulong sa pag-iwas ng kanser.
  • Meron itong iron at vitamin C pinagsama na sa isang gulay.
  • Sa may kidneys stones, may calcium oxalate ang kamote kaya ingat na huwag maraming kainin.
  • Maganda ito sa tiyan dahil tumutulong sa pagbuhay ng healthy bacteria tulad ng Bifidobacterium at Lactoba­cillus. Bagay din ito sa makulo ang tiyan at pagtatae.

SWEET POTATO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with