Tubig, sa wakas
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2019 - 12:00am

SANG-AYON ba kayo kung sasabihin kong mapag-biro ang tadhana? Bakit kanyo? Kasi nga parati na lang ta-yong dumadaan sa matinding pagsubok. Nung nakaraang summer matindi ang naranasan nating uhaw dahil halos wala na ni gapatak na tulong tubig sa ating mga gripo. Nag-uunahan tayo sa pila-balde ng tubig  na ras­yon na umaabot hanggang madaling araw. Malaking abala para sa ating lahat. Para sa akin mas maigi nang kuryente ang mawala kaysa sa tubig dahil ito ang pangunahing pangangailangan ng bawat isa sa atin.

Ay sarap! Tag-ulan ay nandito na! Maiibsan na rin ang pangamba ng marami dahil mapupunuan na ang tubig na nawala sa Angat dam. Kailangan natin ang ulan na malalakas dahil nasa kalagitnaan na tayo ng taon ay nasa critical level pa rin ang dam na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila. Mula noong Biyernes ay nakakaranas na tayo ng malalakas na ulan. Pabor ito sa ating lahat pati na sa mga magsasaka. Makakapagtanim sila ng maaga dahil sagana na rin sa tubig ang mga bukirin.

Kaya nga lamang may dulot din itong perwisyo dahil marami nang lugar ang binaha. May lugar na baha dahil sa high tide pero meron ding mga lugar na baha gawa ng mga baradong kanal dahil puno ng basura. Alalahanin nating umpisa pa lamang ng tag-ulan. Maano ba namang pairalin ang disiplina sa ating mga sarili. Hindi ba natin alam na paulit-ulit na rin nating nararanasan na ang ating tinapong mga basura ay bumabalik din sa atin doble o triple pa ang balik? Diba?

Mag-ingat din tayo sa mga sakit na nakukuha nga-yong tag-ulan dahil ito’y nakamamatay kung hindi    agad maagapan. Disiplina at kalinisan ang pairalin upang hindi humantong sa kapahamakan.

ANGAT DAM WATER CRISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with