Kakaibang karisma ni General Eleazar
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - August 3, 2019 - 12:00am

NAPAPANSIN n’yo ba na wala nang madudugong komprontasyon ang mga pulis at rallyists ngayon? Iyan ay dahil sa epektibong pakikipag-ugnayan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief MGen. Guillermo Eleazar sa mga lider ng militanteng grupo. Kaya malinaw na may kakayahan si Eleazar sa paghanap ng mapayapang sulusyon para maiwasan ang kaguluhan. Kaya naman nagkakaisa ang tinig ng sambayanan na si Eleazar ang nararapat na maging PNP chief, kapalit ni General Oscar Albayalde.

Nakita ang tapang ni Eleazar sa pakikipagharap sa mga masasamang pulis at hindi niya sinasanto kahit na ano pa ang katungkulan ng mga ito. Ang nais niya, maging halimbawa ng kabutihan ang mga pulis para hindi layuan o katakutan ng mamamayan.

Nakita ng mamamayan kung gaano katiwasay ang State of the Nation Address (SONA) ni President Duterte noong nakaraang Hulyo 22. Dahil generally peaceful ang buong kapaligiran noong SONA, nakuha pang mag-sing along ng Presidente pagkatapos ng kanyang talumpati.

At nangyari ang matiwasay na SONA dahil sa mahusay na pamamahala ni Eleazar.

Bagama’t maraming hinaing ang mga militante sa gobyerno sa kanilang rally sa paligid ng Batasan, walang naganap na kaguluhan sa buong araw ng SONA. Nagkasundo kasi sina Eleazar at Renato Reyes, lider ng mga militante.

Maaring nalimutan na ng marami na sa unang SONA pa lang ni Duterte, ay si Eleazar na ang humawak ng security and order ng SONA. Siya ang QCPD director noon. Malaki ang kaibahan ng SONA ngayon kumpara sa mga nakaraang administrasyon.

Noong panahon nina President Estrada, Arroyo at Aquino, girian, tulakan, batuhan at habulan ang naganap sa pagitan ng mga pulis at rallyists. Marami ang nasusugatan sa SONA noon. Dati, pag-SONA, armado ang mga pulis, May mga batuta at panangga, May mga barbed wire na nakaharang at mga firetruck na nakapuwesto sa kapaligiran ng Batasan bilang depensa sa mga nagra-rally.

Nang maging QCPD Director si Eleazar, nag iba ang mga eksena, Wala nang barbed wire at fire trucks. Wala nang mga batuta at baril ang mga pulis. Wala nang gulo, girian at habulan. Ang meron na lang ay ang pagpuri at pasasalamat kay Eleazar. Katangian ni Eleazar na subaybayan ang mga maseselan na operasyon ng PNP sa Metro Manila. Kaya marami ang nakakapansin sa kanya hindi lang dito sa Metro Manila. Marami sa mga kababayan natin sa mga probinsiya ang tumatawag kay Eleazar para magsumbong o humingi ng assistance sa pamamagitan ng social media.

Iyan si General Eleazar, kakaiba ang karisma subalit napakabangis sa mga masasamang pulis.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with