Kakayanin ang hamon
REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. (Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2019 - 12:00am

MANTAKIN n’yong naging balita pa world wide ang brown out sa New York City? Viral sa Facebook ang pagkawala ng kuryente sa mismong konsiyerto ni Jennifer Lopez (J. Lo) sa sikat na Madison Square Garden. Hindi malaman ng mga New Yorker kung papaanong gagawin nang sila’y biglang mamatayan ng ilaw. 

Kung sa atin ay karaniwan na ang biglaang brown out, ilaw ng kandila at aircon sa paypay, ang mga higanteng siyudad ng mayayamang bansa ay hindi sanay sa ganoong klaseng buhay. Kapag nasanay ka nga naman na laging maayos ang takbo ng kapaligiran, at lahat ng karangyaan at mga teknolohiyang nagpapagaan ay nasa iyong mga kamay, talagang mawawalan ka ng direksyon sakaling maglaho lahat ng luhong iyan. 

Nang ako’y maging estudyante sa New York, tawang-tawa rin ako sa mga kaiskuwela kong taga-Europe na noon lamang nakakita ng ipis sa kanilang tinutuluyang apartment. Para bang diring-diri sila sa cucaracha na nakasanayan na nating mga taga-Pinas.

Lahat tayo ay nasanay na at umasa masyado sa buhay na ginawang mas madali ng teknolohiya. Lalo na ang mga taga-1st world countries. Kung tutuusin, marami sa ating hindi makakayanang makipagsabayan kapag biglang mapadpad sa abroad. Ultimo ang pagpaandar ng gadget o makina sa mga do it yourself na lugar, hirap pa tayo intindihin. 

Pero sa nangyaring brown out sa New York, napaalala rin sa atin na hindi lang sa teknolohiya susukatin ang galing ng isang tao. Dahil nang sila’y mawalan ng ilaw, para silang mga hilong talilong na hindi malaman kung papaano ang gagawin. Tayong mga Pinoy, hindi man nagpaparaya sa luho ng teknolohiya, ay hindi naman magpapahuli sa kung papaano mabuhay kapag wala ang lahat ng pampadaling gadget na ito. Kung ang mga dayuhan ay pihadong papalpak, ang Pilipinong sanay sa hirap ay tiyak na lulutang at kakayanin ang hamon.  

NEW YORK CITY BROWN OUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with