^

PSN Opinyon

Nabuko ang pagiging incompetent at pagka-boba ni alyas Papa G

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

YESTERDAY, nagpre-present diumano si alyas Papa G ng PowerPoint sa harapan ng mga bright Bureau of Immigration officials pero ang problema ay mukhang hindi niya alam ang sinasabi at ginagawa. Take note, SoJ Menardo Guevarra, Your Honor!

Ang presentation ay tungkol sa mga risks and opportunities tapos ang problema pa non-applicable ang effectiveness of actions sa lahat ng areas plus the target date and status ng implementation ay palpak din o mali rin daw ang sagot.

Mukhang gustong tumawag o ma-extend ang lifeline ni alyas Papa G kaya naman dial o  ‘call a friend’ ang gusto niyang gawin ng mga oras ng interview para kahit papaano ay may tumulong sa kanya sa question and answer during that time.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kulang na lamang magtitili ang baklitang si alyas Papa G ng mga oras ng interview, ang problema mukhang binalewala siya kaya naman mali-mali ang kanyang mga isinasagot at ang kanyang explanation.

Akala kasi ni alyas Papa G, mga bobo ang mga nakikinig sa kanya!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati si alyas “Hassle Bulilyaso’’ ay tinanong din, ayon sa awa ni Lord, nasa hot seat din ito dahil mali-mali ang resulta ng report ng BI-POD?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi raw malaman ni alyas Papa G, kung anong mukha ang ihaharap nito sa panel of interviewer kaya naman pinutol na lamang ang talumpati este mali presentation pala nito kaya naman pinaghahanda siya sa Biernes para palitan ang palpak na report.

Sabi nga, ang deadline ay Friday!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang panel ng POD ang importante dahil ito ang ina-ISO, so dapat may specific solutions and effectiveness ng actions taken.

Bakit?

Sagot - ISO dahil para ito ang ma-certify na maging ISO-Certified ang POD kasi nga pinako-comply sila ng pamunuan ng MIAA rito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagiging incompetent at pagka-bopol ni alyas Papa G, ang hindi niya alam nilulubog na siya ng mga alipores niya para mag-report ng mali? Hehehe!

Iyan ang mahirap, nauto niya ang appointing kuwago ni alyas Papa G, at napahanga niya ito dahil sa ‘information’ na ibinigay ng isang ‘Christian brother’ sa kanya iyon pala alaws itong alam sa operations.

Bago lang kasi si alyas Papa G sa bureau. Wala nga talagang alam ito sa immigration counters o iyong mga trabaho ng immigration officers, naka-porma lang ito nang mabola ang isang ‘Kristiano’ from the US of A.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

Ang St. Anthony School sa Calapan, Oriental Mindoro, bow

ABA, umaabuso na diumano itong St. Anthony School sa Calapan City d’yan sa Oriental Mindoro.

Sabi nga, mukhang may problema? 

Ayon sa sumbong ng mga kuwago ng ORA MISMO,  ayaw e-release ng St. Anthony School ang credentials dahil sa diumano ay hindi pa nakakabayad ang DepED sa voucher ng isang senior high school graduate.

Naku ha! 

Ano ba ito?

Hindi yata nakakaintindi ang eskuelahang ito na ang dapat nilang kausap sa ganitong situation ay ang DepEd!

Sabi ng mga kuwago, hindi dapat ang estudyante ang kanilang ginigipit o pinahihirapan sa hindi pagre-release ng credentials niya dahil ang estudyante ang sinasabing may-ari nito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ikaw James Sy, ay aming pinakikiusapan na intindihin mo ang iyong obligasyon bilang eskuelahan.

Huwag na sana itong umabot pa sa DepEd o kay Boss Digong ang mga style mo?

Kaya kilos na James Sy.

Abangan.

vuukle comment

MENARDO GUEVARRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with