Ilantad ang mga matatakaw sa PCSO!
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - July 30, 2019 - 12:00am

IPINASARA ni President Rodrigo Duterte ang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa malakawang corruption na nangyayari roon. Ang naiwang tulala at kumakalam ang sikmura ngayon ay ang mga empleyado sa lotto outlets. Tinatayang 21,000 lotto outlets ang pinasara ng Philippine National Police at apektado ang 30,000 empleyado.

May mga kausap akong empleyado sa mga lottohan na sumasahod ng P300 kada araw. Kahit mababa ang suweldo, puwede na sa kanila iyon huwag lamang mawalan ng hanapbuhay. Subalit ngayong nagkaroon ng korapsyon sa PCSO, sila ang unang apektado. Ngayong wala silang pinagkakakitaan, tiyak na magugutom ang kanilang pamilya.

Namayagpag ang mga buwaya sa PCSO dahil malaking halaga ang kanilang naibulsa. Dapat silang makasuhan at makulong. Kaya panawagan nang marami kay Duterte, madaliin ang imbestigasyon para maitapon sa bilangguan ang mga kurakot.

Nananawagan naman ang mga maysakit na ibalik ang operasyon ng PCSO dahil mawawalan na sila ng malalapitan para sa pambayad sa ospital at pambili ng gamot. Kaya dalangin nila na habulin ni Duterte ang mga corrupt sa PCSO. Panagutin ang mga ito sa limpak-limpak na perang ibinulsa. Tutal naibulgar na umano ni Sandra Cam na may anomalya nga sa PCSO kaya panahon na para sabihin ni Duterte kung sinu-sino ang mga ito. Ilantad at pangalanan niya ang mga matatakaw!

Sabi ni President Duterte, lahat nang corrupt sa PCSO ay mawawalis sa puwesto. Katulad ng ginawa niya sa Bureau of Customs kung saan 64 ang pinatawag sa Malacañang at binantaan na kakasuhan. Ang hindi lang natupad ay ang sinabi na paglilinisin niya sa Ilog Pasig ang mga korap sa BOC.

Dahil sa pagsasara ng PCSO, iba’t ibang diskarte ang gagawin ng mga nawalan ng trabaho para mabuhay ang kanilang pamilya. Gagawa sila ng paraan para makaraos sa araw-araw. Iyan ang aabangan ko mga suki!

LOTTO OUTLETS PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with