EDITORYAL - Solusyunan ang nararanasang kagutuman
(Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2019 - 12:00am

MATINDI ang mga sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) noong Lunes. Ayon sa Presidente, hanggang matapos ang kanyang termino, patuloy niyang lalabanan ang corruption at ang pagkalat ng illegal na droga. Hihilingin umano niya sa mga mambabatas na agarang ipasa ang death penalty para sa mga mandarambong at drug traffickers. Hindi raw siya titigil sa paglaban sa mga corrupt sa pamahalaan at nagkakalat ng bawal na droga.

Maganda ang kanyang sinabi at katanggap-tanggap dahil talagang talamak ang corruption at illegal drugs. Dahil sa corruption kaya niya pinahinto ang lahat ng sugal kasama ang lottery. Marami pa raw siyang sisibakin sa Customs.

Pero mayroon siyang nalimutang sabihin at ito ay ang paglaban sa nararanasang pagkagutom ng mga Pinoy. Wala siyang sinabi na makakaranas ng murang bilihin ang mga Pinoy para makakain nang tama at nasa oras. Walang nabanggit na magkakaroon ng murang bigas para makabili ang mga kakarampot ang kinikita. Walang nabanggit ang Presidente na lalabanan ang pagkalam ng tiyan ng mga Pinoy.

Sa pinaka-latest survey ng Social Weather Stations (SWS). 2.5 milyong Pinoy ang nakaranas ng gutom sa second quarter ng 2019. Mas mataas ang bilang na ito kaysa sa nakaraang first quarter na 2.3 milyon. Ginawa ang survey mula Hunyo 22 hanggang 26 sa may 1,200 adults sa buong bansa.

Ayon naman sa Malacañang, ang second half ng Duterte administration ay magpo-focus sa pag­laban sa pagkagutom ng mamamayan. Bago pa raw lumabas ang survey ng SWS, inatasan na ng Presidente ang mga Cabinet members na isagawa o ilunsad ang mga anti-hunger and poverty reduction initiatives. Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, milyong bata na ang nakinabang sa government feeding program at marami pa umano ang target ng pamahalaan. Mga bata umano ang kanilang sinisigurong mabibiyayaan ng feeding program.

Kung matindi ang paglaban ng Duterte administration sa mga corrupt at drug traffickers, dapat mas matindi ang pakikibaka sa nararanasang kagutuman. Hindi naman dapat magutom ang mga Pilipino sapagkat sagana sa pagkain ang Pilipinas. Malawak ang mga taniman. Kung mapagbubuti ang ani, kahit ang bigas ay maaaring ipagbili ng mura para makakain nang tama ang mga mahihirap. Walang dahilan para magutom ang mga Pilipino.

RODRIGO DUTERTE STATE OF THE NATION ADDRESS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with