Sila-sila lang din
Humantong na rin sa utos ni President Rodrigo Duterte na suspendehin simula kahapon ang lahat ng gambling operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa “massive corruption”.
Ayon sa aking source, ang “grand players” ng kalokohan sa PCSO ay mga military at police officials daw na parehong active at retired na may hawak ng franchises o di kaya’y pinahahawakan sa mga proxy nila upang magpatuloy ang kanilang operation.
May gagawing mas malalim na investigation sa problema sa PCSO at ‘yon ang hinihintay ng lahat upang malaman kung sino talaga ang mga naglalaro ng katiwalian sa nasabing ahensiya.
Tiyak malalaman na kung sinu-sino ang mga nasabing nagkapera sa sinasabing “massive corruption” sa PCSO.
Sila-sila lang din e.
- Latest