Mga hakbang sa panibagong ikaw (Part 2)
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - July 25, 2019 - 12:00am

6. Ang katas ng prutas ay siksik sa bitamina.

Napakasustansiya ng katas ng prutas tulad ng fruit shake at fruit juices. Puwedeng gumamit ng blender o juicer para makuha ang katas ng mga prutas tulad ng mansanas, carrot, pakwan at pipino. Puwede itong paghaluin at inumin. Uminom ng 1 hanggang 2 baso lang kada araw. Huwag ding sosobra at baka ika’y tu­maba.

7. Gawing regular ang pagdumi.

Para maalis ang dumi o toxins sa katawan, kailangan ay regular ang ating pagdumi. Mas makatutulong kung bawat 1-2 araw ay dudumi na tayo. Para maging ma­lambot at regular ang pagdumi, subukan ang pagkain ng sapat na prutas at gulay. Sa prutas, nagpapalambot ng dumi ang 4 P’s, tulad ng pakwan, papaya, peras (pears) at prune juice. Ang gulay na mataas sa fiber na nagpapabilis sa paglabas ng dumi. Ang high-fiber na gulay ay ang patola, kangkong at okra.

8. Matulog ng sapat para humaba ang buhay.

Kailangan natin ng 7-8 oras ng tulog bawat gabi. Mas nakapag-papalakas ang tulog sa gabi (mula 11:00 p.m. hanggang 3:00 a.m.) kumpara sa tulog sa umaga. Sa ating pagtulog, dito naghihilom ang katawan at natatanggal ang mga sakit ng katawan. Kung hindi ka makatulog, subukang humiga at ipikit lang ang mata. Sa ganitong paraan ay makakapahinga rin ang iyong katawan.

9. Magpa-general check-up taun-taon.

Ang mga taong nagpapa-check-up taun-taon ay mas humahaba ang buhay kumpara sa taong walang check-up. Ito ay dahil naaagapan ang mga sakit kapag nadiskubre nang maaga. Halimbawa, kapag hindi pa malala ang bukol, high blood, at diabetes, madali lang ito gamutin ng doktor. Pero kapag hinayaan natin ang sakit ay magkaroon ng kumplikasyon, at mahirap na itong gamutin.

10. Uminom ng multivitamins araw-araw.

Dahil kulang sa bitamina at minerals ang ating kinakain, tulad ng fast-foods, puwede tayong uminom ng multi-vitamins araw-araw. Minsan, hindi natin napapansin na bumababa ang dami ng dugo at nagiging anemic tayo (mababa ang hemoglobin). Minsan, bumababa rin ang potassium at nagdudulot ng kumplikasyon sa puso. Kumunsulta sa doktor para malaman ang bitamina na babagay sa iyo.

JUICES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with