^

PSN Opinyon

Dennis ‘Pisngi’ kamador ng illegal Chinese Pogo workers sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HANGGANG ngayon ay namamayagpag pa rin sa kasaganaan sa NAIA, ang dating utak ng ‘baboy’ na si alyas Dennis ‘Pisngi’ a.k.a “English Bulldog”, wala pa ring tigil ito sa pagpapalusot ng mga illegal Chinese POGO workers sa airport, Chinese overstaying at ang mga blacklisted.

Si alyas Dennis ‘Pisngi’  ang birador ng mga ilegal na tsekwa sa NAIA Terminal 2, hanggang ngayon ay nananagana ito sa salaping ibinabayad dito bilang ‘escort service with a fee.’  Take note, SOJ Menardo Guevarra, Your Honor!

Ayaw tumigil sa kanyang iligal na gawain si ‘Pisngi,’ malaking kuarta ang ganansiya niya sa escort service. Bukod dito, walang malakas ang loob na patigilin ito sa kagaguhan dahil hawak siya ng isang tongresman na ang negosyo ay mga sugalan at dito siya nagsusumbong kapag sinaling ang kanyang mga kawalanghiyaan. Alam kaya ito ni alyas Papa G?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang haybol na ni alyas ‘Pisngi’ ang NAIA T2 porke rito na siya tumanda at hindi na halos ito umuuwi sa haybol niya dahil baka malagpasan ito ng mga Chinese na sasalubungin niya dahil ma-traffic papunta ng airport. 

Sayang din ang kuartang mawawala kapag nalagpasan si ‘Pisngi.’ Hehehe!

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, si ‘Pisngi’, ay madaling makilala ng NAIA-NBI, NICA o ISAFP dahil madalas itong may hawak ng cup of coffee habang nasa lungga niya sa NAIA T2 at mistulang pugon kung mag-yosi dahil sunud-sunod kaya naman dumidistansiya ang mga kausap nito porke mabaho pa sa kili-kili ang hininga niya.

Kapag na-imbestigahan si alyas Dennis ‘Pisngi,’ tiyak pasok ito sa ‘unexplained wealth’ dahil sobra-sobra na ang salaping kinita nito sa airport noon pa man pinalulusot nila ang mga baboy. Ngayon naman ay naka-concentrate ito sa mga illegal Chinese POGO workers na pinasasalubong sa kanya.

Ang mga baboy noon sa NAIA ay ang mga Chinese nationals na ipinupuslit ng grupo ni alyas Dennis ‘Pisngi’ papuntang US, Canada at iba pang countries dahil ang NAIA ang jump-off point ng mga ito.

Nabuko noon ang operasyon ni alyas Dennis ‘Pisngi’ pero imbes na umamin sa kawalanghiyaan kung sinu-sino ang itinuro nito makaligtas lamang sa aberya ang gago. 

Noon kasi, kayang linlangin nina alyas Dennis ‘Pisngi’ ang mga Kano dahil hindi pa hi-tech ang gamit nila noong mga gadgets sa departure area ng paliparan at madali ring makapasok ang mga ito sa Tate at Canada.

Ngayong panahong ito ay tigil si Dennis ‘Pisngi’ sa operasyon ng mga baboy kaya naman sa illegal Chinese POGO workers ito nakanganga.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

vuukle comment

ILLEGAL CHINESE POGO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with