^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang nabanggit sa ‘endo’ bill

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Walang nabanggit  sa �endo� bill

TUMAGAL ng 1 oras at 34 na minuto ang State of the Nation Address (SONA) ni President Duterte kahapon. Mas maikli ang SONA niya kumpara noong nakaraang taon na inabot ng dalawang oras. Kakaunti lang ang mga nabanggit niyang accomplishment ng kanyang administrasyon at halos pahapyaw lang ang ilan. Ganunman, malinaw naman ang kanyang paghahayag sa mga ito at marami rin ang natuwa sapagkat may mga pagbabagong mangyayari gaya nang planong pagtataas sa sahod ng mga guro. Siniguro niya na magkakaroon ng increase sa salary ang mga guro at kasama na ito sa budget.

Mariin naman niyang sinabi na sa kabila ng kampanya ng kanyang pamahalaan laban sa illegal na droga, laganap pa rin ito. Patuloy pa rin aniya ang drug trafficking. Ito ang dahilan kaya isusulong ang parusang kamatayan para sa drug traffickers. Dismayado siya sa nangyayaring patuloy na problema sa illegal drugs.

Dismayado rin siya sa nangyayaring corruption. Nabanggit niya na may corruption sa maraming ahensiya ng pamahalaan at isa na riyan ang Bureau of Customs. Sa kabila umano ng kampanya laban sa mga tiwali sa pamahalaan, marami pa rin ang guma­gawa nito. Ipagpapatuloy umano ang malawakang pagsibak sa mga gumagawa ng katiwalian.

Nabanggit niya ang pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers. Una na niyang sinabi noong nakaraang linggo na inaapura niya ang isang departamento na tututok sa mga OFW. Gusto niya, sa darating na Disyembre ay mayroon nang Department of OFWs. Nagbabala rin siya sa mga illegal recruiter na mapaparusahan nang mabigat kapag nambiktima ng OFWs.

Maraming napangiti sa mga accomplishment at sa mga isasagawa pa ng Duterte administration pero ang isang nalimutan ay ang ukol sa “endo” bill na magkakalag sa tanikala ng contractualization. Walang nabanggit ukol dito. Ito pa naman ang hinihintay ng mga manggagawang nakagapos sa contractua­lization. Hanggang ngayon, marami pang employer o mga may-ari ng kompanya na hindi nagre-regular ng empleyado para makaiwas sa pagbabayad ng SSS, Pag-IBIG, PhilHealth at iba pa.

Sana sa mga susunod na araw, aktuhan na ang “endo” bill na noong nakaraang buwan pa dapat lagdaan. Maraming manggagawa ang masisiyahan kapag nalagdaan ito.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with