^

PSN Opinyon

Kanya ang pinaka-malaking private army sa mundo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAHAGI ng China maritime militia ang mga nagnanakaw ng pawikan, taklobo at corals sa Scarborough Shoal. Naka-base sa Sansha, Hainan, binigyan sila ng mga kagamitang telecoms para mag-espiya at guluhin ang Pilipinas. Utos sa kanila na palibutan ang Pagasa Island sa mala­yong Kalayaan Isles, Palawan. Ang militia ay bahagi ng Chinese Navy, sa ilalim ng People’s Liberation Army (PLA).

Tinuturing ang PLA na pinaka-malaking private army sa mundo. Sandatahang lakas ito hindi lang ng China kundi pati ng Chinese Communist Party (CCP). Mahigit 2,035,000 ang regular troops at 510,000 ang reservists. Libu-libo ang mga tangke, barko, helicopters, at eroplano.

Sa CCP Central Military Commission nagre-report ang PLA. Ang commission ay hindi sangay ng gobyerno kundi ng CCP. Si Xi Jinping na secretary general ng CCP, ang chairman ng commission. Sa ilalim niya ay si first vice chairman Air Force general Xu Qiliang. Second vice chairman­ si general Zhang Youxia. Third vice chairman lang si defense minister at general Wei Fenghe.

CCP ang nagtatag ng PLA nu’ng 1927 para sa himagsikang komunista laban sa emperador at mga imperya­listang Kanluranin. Kadalasan ang revolutionary armies ng mga bansa, tulad ng sa Pilipinas o America, ay isinasailalim sa gobyerno matapos makamit ang kasarinlan. Hindi ang PLA, dahil nagtatag ng diktadurya ang CCP at ginagamit ang PLA para manatili sa puwesto. Sumusumpa ng loyalty­ ang mga sundalong PLA sa CCP. Kaya sa Tiananmen Square, Beijing, nu’ng 1989 walang habas na pinaslang ng PLA ang libu-libong estudyante at manggagawa na humi­hingi ng konting demokrasya at kabawasan ng korapsiyon. Ginawa nila ‘yon sa ngalan ng estabilidad, ani defense mi­nister­ Wei sa isang panayam kamakailan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

PEOPLE’S LIBERATION ARMY

SCARBOROUGH SHOAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with