Korap na MTPB enforcer, hinubaran ni Isko
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2019 - 12:00am

KAHAPON, hinubaran ng uniporme ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) enforcer na si Ricardo Galit dahil sa pangongotong sa isang pamilya na nag-violate ng traffic­ sa Sta. Cruz, Maynila. Ginawa ni Isko ang paghuhubad ng uniporme sa kotongerong si Galit sa isang press conference­ sa Bulwagan ng Manila City Hall. Nagmistulang maamong unggoy si Galit habang minumura ni Isko.

Nakarating kay Isko ang pangongotong dahil nakunan ito ng CCTV kaya agad ipinatawag ang lahat ng MTPB enforcers. “Kapag hindi ninyo itinuro sa akin ‘yung nasa video, lahat kayo tatanggalin ko!” sabi ni Isko. Natakot ang mga MTPB enforcers kaya itinuro ang kotongerong si Galit.

Dapat maging babala sa lahat ng MTPB enforcers ang nangyari dahil seryoso si Isko sa paglilinis sa Maynila.

Ganito dapat ang lahat nang mayor sa Metro Manila, ‘yun bang may bayag na kayang harapin ang mga gumagawa ng mali at sumisira sa lipunan. Kaya tumataas ang rating ni Isko ay dahil sa kasipagan at dedicated sa trabaho. May angkin siyang tapang at walang sinasanto.

Ang puna ko lang, nakakaligtaan yata ni Isko ang gumuhong kalye sa corner ng Remedios Street at Roxas Bou­levard. Hanggang ngayon, nakatiwangwang pa ang butas kaya hindi madaanan ng mga motorista. Malapit pa naman ito sa Plaza Raha Sulaiman na dinarayo ng mga turista. Napanagot na kaya ni Isko ang contractor ng kalye? Substandard ang pagkakagawa ng kalye kaya gumuho nang dumaan ang isang truck na may kargang buhangin. Isang buwan na itong nakatiwangwang.

Kinurakot siguro ang pondo sa kalsadang ito kaya ganoon ka-substandard? Maganda sana ang kalye na nilagyan ng kanal dahil malaki ang maitutulong nito sa paghigop ng tubig baha sa kahabaan ng Paco patungo sa Manila Bay. Dahil nakurakot ang pondo kakaba-kaba ang lahat nang dumadaan dahil baka gumuho.

Mayor Isko, pakibigyang pansin ang kalyeng gumuho na tinatanuran ng may lima hanggang 10 tao araw at gabi. Sayang ang ipinasusuweldo sa mga ito na ang binabantayan ay walang pakinabang. Nais mo naman na maging maayos, malinis at ligtas ang Maynila, kaya dapat maisaayos ang nasirang kalye sa tulong ng Department of Public Works and Highways. Abangan ang pagkilos ni Isko.

FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with