Alyas Papa G, nilaglag ang mga alipores sa BI-NAIA
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

LAST week kumaripas ng takbo at muntik nang mahulog ang pantalon ni alyas Papa G, ng ipatawag ito sa DOJ para magbigay ng mga pahayag kung ano ang totoo sa mga tsismis na korapsyon tungkol sa mga korap immigration personnel sa NAIA.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaharap ang opisyal at si alyas Papa G at sinabihan ng una ang huli na magsabi ng totoo kung hindi ay sisibakin ito sa puwesto kapag nagsinungaling.

Sa taranta ni alyas Papa G, inumpisahan nitong kumanta ng sintunado at pinag-isipan kung sinu-sino ang mga pangalan ng kanyang mga ka-opisina na ilalaglag sa DOJ.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pa nakuntento si alyas Papa G, sa unang listahan ibinigay nito sa DOJ official, nagpahabol pa ng pangalawang listahan at sa palagay ng mga sumbungero, nilaglag ng todo nito ang mga alipores niya sa NAIA. 

Ayon sa sumbong, dahil sa takot na mabuko na tumatanggap every week ng malaking halaga ng salapi si alyas Papa G sa operas­yon ng human smuggling sa NAIA, mula sa kanyang mga korap na alipores nagmistulang ‘makapili’ ito ng Hapon at pinagtuturo ang mga hunghang na kasamahan sa airport na sangkot sa korapsyon?

Naku ha!

Ano ba ito?

Ang mga isinulat na mga pangalan ni alyas Papa G, tiyak maya­yari sa gagawing imbestigasyon laban sa inyo.

Naku, lagot ang mga naisulat dahil tiyak katakot-takot na imbestigasyon ang mangyayari sa inyo.

Sabi nga, sa unexplained wealth, patay kayo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, simple lang ang itinanong ng DOJ official nang pumasok sa kuwarto si alyas Papa G.

Ang tanong daw ay kung ano ang alam ni Papa G at kung ano ang totoo sa human trafficking operations lalo’t sa mga illegal Chinese POGO workers na pumasok sa Philippines my Philippines for the last several months.

Ayon sa bulong, nagmistulang si ‘Hudas Iskariote,’ si alyas Papa G nang ihulog niya si alyas Dennis ‘Pingi,’ aka English Bulldog sa DOJ official at iba pang mga kaalyado nito sa NAIA.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago, nataranta ang baklitang si Papa G dahil gusto nitong iligtas ang kanyang sarili sa scam para hindi siya masibak sa kanyang position sa airport at para hindi makasuhan gaya ng banta sa kanya nang tanungin ang kamote.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang hindi isinamang pangalan ni Papa G ay si alyas ‘Igat’ ng BI-Clark.

Bakit?

Syota ito ng bruhong si Papa G!

Sabi nga, parang Romeo and Juliet ang itsura ng dalawa kapag nagkita sa kubeta dahil gusto nilang panatilihin lihim ang kanilang romance. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago, ginawang ‘spy’ o agent U-2-10 ni alyas Papa G si alyas Igat para mamonitor ang galaw ng mga taga-BI Clark?

Naku ha!

Bakit?

May inilaglag din si Papa G, na taga-BI Clark sa DOJ official para lamang makaganti sa mga tagarito.

Naku ha, ogag talaga si Papa G, magaling sa harapan pero pagtalikod nito parang si Satanas.

“Inamin kaya ni Papa G, sa opisyal na mayroon na itong bagong Toyota Land Cruiser?” tanong ng kuwagong mapagsamantala.

Sagot - Hindi.

Bakit?

Nagmamalinis pa ang hitad!

Abangan.

Kikil tandem sa BOC-NAIA, hulihin

DAPAT malaman ni NAIA District Customs Collector Mimel Talusan ang operasyon nina RC at Junjun, ang mga haosiao na kolektor sa mga customs warehouses sa NAIA.

Nag-aangalan ang mga broker/importers sa mangongotong tandem.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inuutusan diumano ng mga korap customs police ang gago tandem para mangolekta at takutin ang mga brokers sa mga bodega sa NAIA.

“Sinisira ng dalawang ito ang pangalan at imahe ng NAIA Customshouse, sana mahuli sila sa lalong madaling panahon.”

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bahala si Mimel sa dalawang demonyo.

Abangan.

CORRUPT IMMIGRATION PERSONNEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with