Eleazar, pinagkalooban ng Lingkod Bayan Award
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2019 - 12:00am

NAKATUTOK ang Civil Service Commission (CSC) sa bawat kilos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Major Gen. Guillermo Eleazar. Kinilala ng CSC ang serbisyo sa bayan ni Eleazar kaya ginawaran siya ng Presidential Lingkod Bayan Award. Nakita marahil ng CSC ang ginagawang paglilingkod ni Eleazar sa mamamayan na halos hindi na yata natutulog. Habang mahimbing na natutulog ang mga taga-Metro Manila, si Eleazar at kanyang mga pulis ay nagbabantay para maproteksiyunan sa mga criminal at iba pang masasamang loob.

Bumaba ang krimen sa Metro Manila mula nang ma­italaga si Eleazar na Regional Director ng NCRPO. Pinagtuunan ni Eleazar ang internal cleansing sa NCRPO. Wala siyang sinanto pati heneral at mga colonel ay tinatanggal niya sa puwesto at pinaiimbestigahan ang mga palpak na trabaho at kabulastugang ginagawa.

Mahusay ang management at leadership style ni Eleazar na maaaring ipatupad sa buong Pilipinas dahil makaaasa ang lahat ng mamamayan na mas bababa pa ang crime rate sa  bansa. Kaya kung ang taumbayan ang tatanungin, si Eleazar ang nais nilang maging kapalit ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde. Nagustuhan nila si Eleazar dahil parehas at hindi natatakot kahit kabaro ang nagkasala. Iyan din ang gusto ni Pres. Rodrigo Duterte na maging hepe ng PNP.

Samantala, umiiyak ang mag-inang tindera ng kakanin sa West Avenue, Quezon City. Noong Huwebes, dakong 4:30 ng madaling araw, sumabit sa nakalalawit na cable wire ang sinasakyan nilang traysikel sa Kundiman at Gomez Streets, Bgy. Paltok, Quezon City. Natanggal ang bubungan ng tricycle at tumama sa ulo ni Lucia Quintela Bulan, 70-anyos. Bumagsak ito sa kalye na ikinabagok ng kanyang ulo at pagkabali ng balakang. Ang kanyang anak naman na si Leonardo Q. Bulan, 35, ay tinamaan ng bubungan ng traysikel na ikinasugat ng pisngi nito.

Hindi agad sila nasaklolohan. Maski ang mga barangay tanod ni Bgy. Paltok chairman Sonny Paragoa ay walang nakita sa lugar kaya inabot ng halos isang oras bago na-rescue ang mga ito at nadala sa Capitol Medical Center. Humihingi sila ng tulong sa mga iresponsableng cable companies at contractor dahil bukod sa nawalan sila ng hanapbuhay, malaking halaga pa ang kanilang hahagilapin upang makabili ng gamot at pambayad sa ospital. Sa cable companies na responsible sa pagpapabaya sa paglawit ng cable wires maaari n’yong puntahan ang mga biktima sa Capitol Medical Center. Tulungan n’yo naman sila sa gastusin. Abangan!

CIVIL SERVICE COMMISSION GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with