Mga napupulot na aral sa Maynila
REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

PATULOY pa rin ang pamamayagpag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagpatupad ng reporma sa Lungsod ng Maynila. Sa kanyang ikinikilos itong nakalipas na dalawang linggo at kalahati, hindi lamang ang paghanga ng madla ang kanyang inaani. Mayroon ding pabuyang natanggap ang mga sumusunod na sektor.

Una ang kabataan. Si Mayor Isko ang pinakabatang naging mayor ng lungsod. At aninag naman sa kanyang anyo ang sigla ng kanyang murang edad. Wala na yatang mayor na kasing init at tindi ang bulusok sa pagpaganap ng plano para sa lungsod. 

Pangalawa ay ang mga nanggaling sa tinatawag na “humble beginnings”. Kalat na kalat na rin sa lipunan ang kanyang talambuhay at ang pinagdaanan nito bago inabot ang kasalukuyang kalagayan. Kaliwa’t kanang hamon ang hinarap. Hindi sumuko. Sa halip ay patuloy ang sumikap na pag-ibayuhin pa ang kaalaman, lahat para sa ikabubuti ng serbisyo. Ang pagpapahalagang ibinigay niya sa edukasyon ay halimbawang susundan ng kabataan.

Pangatlo ay ang mga artistang naglilingkod sa bayan. Mula nang may nangahas na manilbihang artista, hindi napigilan ang pagmamaliit na natanggap sa mga inggit na tumutuligsa sa kanilang kakayanan. Para bang sinasabihan na hamak na pang-akting lang ang kanilang kapasidad. Pero sa ipinamalas ni Mayor, na isang kilalang produkto ng pinilakang tabing, siguro naman ay wala na ngayong masasabihan na “hamak na artista” lamang.

Pang-apat, ang mga nagtitiyagang magmatrikula sa ser­bisyo sa pamamagitan ng pag-umpisa sa mababang posisyon bago maghangad ng matayog na puwesto. Si Mayor ay nag-umpisa bilang Konsehal. Nagtapos ng 3 full terms bago nagsugal sa pagiging Vice Mayor. At nang matapos din nito ang 3 full terms ay saka rin nagtangkang mag Mayor. Ang aral dito ay maging mapasensya at marami tayong matutunan sa ibaba na makakatulong sa atin pagdating sa kaduluhan. Gaya ng ipinamamalas ngayon ni Mayor Isko. 

FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with