Pagputol ng diplomatic relation hindi solusyon
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

KUNG ang magiging reaksyon ng Pilipinas sa mga bansang may negative ng puna ay pagputol ng diplomatikong relasyon, darating ang araw na mauubos ang ating mga ka­alyado. Pero mukhang hindi natitigatig ang pamahalaan sa ganitong posibilidad.

Noong Marso, magugunitang umatras na ang Pilipinas sa pagiging kasapi ng International Criminal Court (ICC) dahil sa mga banta na maaaring ipagharap ng reklamo ang Pangulo sa naturang pandaigdig na hukuman hinggil sa mga umiiral na human rights violations sa bansa. Kung hindi na nga naman tayo kasapi sa ICC, wala nang poder ang Korteng ito na litisin ang ating leader.

Ngayon naman, ikinukonsidera umano ng pamahalaan na putulin ang diplomatikong relasyon sa Iceland dahil sa pagsasampa nito sa United Nations ng reklamo laban­ sa mga diumano’y paglabag sa karapatang pantao ng adminis­trasyon.

Isa lamang ang Iceland sa 17 pang mga bansa na tumu­tuligsa sa pamahalaan ng Pilipinas sa mga nangyayaring extrajudicial killings at iba pang paglabag sa karapatang pantao. Iyan ang problema sa atin. Imbes na ituring nating­ batayan ng pagbabago ang mga negatibong puna, napi­pikon tayo at umaastang handang makipag-giyera. 

Sa loob ng 20-taong diktadurya ni Ferdinand Marcos, Wala akong matandaang okasyon na makipagkalas ang Pili­pinas sa UN o sa ICC o nagputol ng relasyon sa alin mang­ bansa. Pero sa kasalukuyang administrasyon, pati ang pagtiwalag natin sa UN ay posibleng mangyari. Huwag sanang kalilimutan na kasama ang Pilipinas sa mga original na kasapi ng United Nations Organization at ang kauna-unahang kina­tawan natin ay si Carlos P. Romulo na lolo ni tourism secre­tary Berna Romulo.

Ito naman ay konstruktibong puna lamang. Patungo ba tayo sa isolationism gaya ng ipinatutupad sa North Korea? Ang Pangulo ng NoKor ay isang diktador na kina­susuklaman ng maraming bansa dahil ipinangangalandakan ang mga nuclear weapons nito at nananakot pang kayang pasabugin sa isang iglap ang alin mang bansang kumakalaban dito. Eh, tayo, anong sandata ang puwede nating ipagmalaki? Puwera na lang siguro kung tuluyan tayong sakupin ng China at maging isang probinsya ng malakas na bansang ito.

DIPLOMATIC RELATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with