SOJ Guevarra, si ‘Dennis Pisngi’ tanggalin sa NAIA
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

IKINATUWA ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil pinaiimbestigahan na ni SOJ Menardo Guevarra sa NBI ang tungkol sa “escort service with a fee” ng ilang korap na NAIA immigration personnel na nagpapapasok ng illegal Chinese workers sa Philippines my Philippines.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, yesterday, malungkot ang mga korap na BI officers sa NAIA Terminal 3 dahil hindi sila makagalaw sa kanilang human smuggling operations dahil nakabantay ang NBI agents sa departure area ng paliparan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago, mukhang ibinaba muna ang kurtina ng mga kamote sa NAIA T3, dahil tinitiktikan ng NAIA-NBI ang mga galaw ng mga sangkot sa human smuggling activities.

Tahimik ang grupo ni alyas “Misa Paldo Sia”, ang reyna ng human smuggling sa Terminal 3, dahil nakapa ng NAIA-NBI ang galaw nito sa paliparan at anumang oras ay puede na siyang kalawitin oras nakuhanan ng ebidensiya.

Kambiyo issue, kung talagang gustong malaman ng NAIA-NBI, ang lalim ng mga pumapasok na Chinese workers na magta-trabaho sa POGO, dapat i-monitor nila ang operasyon ni alyas “Dennis Pisngi” dahil ito ang kumukumpas ng mga pumapasok na Intsik sa paliparan partikular sa NAIA T2, na lungga nito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mada­ling makilala si alyas “Dennis Pisngi” dahil mukha itong “English Bulldog” d’yan sa NAIA T2.

“Madalas itong may hawak na cup of coffee at panay ang hithit ng marijuana este mali sigarilyo pala r’yan sa nasabing lugar,” sabi ng kuwagong manganganta.

Sabi ng mga kuwago, matigas ang ulo ni alyas “Dennis Pisngi” dahil ipinagyayabang nito na hindi siya kayang masaling ng kahit sino porke batang sarado siya ng isang tongresman from Visayas region.

“Sugalan ang negosyo ng ipinagmamalaki ni alyas Dennis Pisngi kaya siya ang sumusundo sa mga Chinese POGO workers sa NAIA.”

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para matigil at masala nang husto ang pagpasok ng mga Chinese POGO workers sa NAIA, dapat tanggalin sa airport si alyas Dennis Pisngi at ang utusan nitong si alyas “Boy Adik” a.k.a “Tarzan”. 

Ano sa palagay ninyo Secretary Guevarra, Your Honor?

Sabi nga, walang hindi nakakakilala kay alyas Dennis Pisngi sa paliparan dahil sa daming binukulan nito.

Abangan.

Isang tunay na pagbabago ang kailangan sa Philippine Sports Commission

MUKHANG aktibo muli si Peping Cojuangco at si dating PSC Chairman Popoy Juico, dahil hindi biro ang pondong inilaan para sa 30th Southeast Asian Games na gagawin sa Philippines my Philippines this November.

May intrigahang nangyayari na binawi diumano ni Boss Digong ang suporta nito sa Philippine Southeast Asian Games Organizational Committee (PHISGOC), na si incoming Speaker Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang chairman todits?

Naku ha!

Totoo kaya ito? 

Parang may “demolition job” diumano laban kay Cayetano at sa PHISGOC, dahil may mga tsismis na hindi raw awtorisado ni Boss Digong ang PHISGOC na mamahala sa pagsasaayos ng preparasyon para sa SEA Games dahil gobyerno raw ang dapat na humahawak ng trabahong ito. 

Naku ha!

Ano ba ito?

Mukhang may tumutulak kay Cojuangco kaya ayaw pa nitong mag-hands up para bawiin ang leadership ng Philippine Olympic Committee at makontrol ang ano mang meron dito?

Hindi yata nila alam na nakalagay sa Memorandum Circular na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea by authority of the President, na ang PHISGOC Inc. ay isang “non-stock, non-profit organization created to oversee the preparations and execution of the Philippines’ hosting of the 30thSEA Games in 2019.” 

Hindi ba’t malinaw ang nakasaad sa Circular? 

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’

MENARDO GUEVARRA PHILIPPINE SPORTS COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with