^

PSN Opinyon

Karaniwang Filipina bakit pumupunggok?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KAPOS na panukat ng kaunlaran ng tao ang gross domestic product. Bagama’t nabibilang ang mga produkto at serbisyo sa loob ng bansa, maaaring ilan lang ang naki­kinabang. Tumindi man ang GDP nang 6 o 7%, marami pa rin ang walang trabaho at bahay, at kulang sa edukasyon.

Ginagawang panukat ng iba ang lifespan. Noong na­karaang siglo, mas maikli ang buhay ng tao dahil sa kapos ng pagkain, dumi ng tubig, at laganap na sakit at giyera. Ang karaniwang life expectancy ng Pilipino ngayon ay 69.3 taon, anang World Health Organization. Malaking haba ito mula sa 58 taon lang nu’ng panahon ni Rizal. Pero kumpara sa world average na 72 years, kapos ang Pilipino. Mas maikli ang buhay ng lalaki dito, 66.3 taon, kumpara sa 69.2 taon sa mundo. Mas mahaba ang buhay ng Filipina, 72.6 taon, pero maikli ito kaysa ibang babae na 74.2 taon.

Napansin ni Nobel-prize winning economist Angus Deaton na may kinalaman din ang kaunlaran sa tangkad ng tao. Bagama’t batay sa genetics ang bulas, nababago ito ng masaganang pagkain, malinis na paligid, at pag-alaga sa katawan. Kahapon inulat ko na tumatangkad ang karaniwang Chinese at Indians dahil sa dagdag-kon­sumo ng karne at gatas. Tumatangkad nang isang senti­metro ang mga babae sa bawat 6% lundag ng kita (per capita) ng bawat tao sa kanila at paghaba ng buhay nang 1.25 taon.

Napaulat na pinaka-pandak ang Pilipino sa mga tao sa Southeast Asia. Ani U.P. economist Noel de Dios, ang mga Filipina ay karaniwang 149.61 sentimetro o wala pang 4 feet-11 inches. Pangalawang pinaka-pandak sila na babae sa mundo, na karaniwang tangkad ay 5 feet.

Pumunggok pa nga ang Filipina nitong nakaraang pitong dekada, ani De Dios. Mas matangkad nang 1.43 sentimetro ang mga Filipina na isinilang nu’ng 1946, na karaniwan ay 151 sentimetro o 4 feet-11 inches. Lumiit sila nu’ng 1996, ayon sa statistics. Pinaka-mabababang sukat nila, karaniwang 149.304 sentimetro, nu’ng 1980. Dapat alamin kung bakit.

vuukle comment

GROSS DOMESTIC PRODUCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with