^

PSN Opinyon

Lahat nang bagay-China

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HALOS 90 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang kaila­ngang igiit ng gobyerno ang karapatan sa mga islang ina­angkin at igiit din ang napanalunang desisyon sa UN Per­manent Court of Arbitration kung saan pinawalang-batayan ang Nine Dash Line ng China sa karagatan. Halos 90 per­cent din ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat hulihin ang mga mangingisdang Chinese na sumisira ng kalikasan sa West Philippine Sea. Ito ang mga resulta na pinakabagong pagsusuri ng SWS.

Sa totoo lang, kahit ilang beses tanungin ito ay pareho lagi ang resulta. Hindi pa rin mapagkatiwalaan ng marami ang China, at hindi rin sang-ayon sa kasalukuyang ginagawa ng gobyerno sa China na tila ibinibigay na lang ang lahat. Dahil sa personal na desisyon ni President Duterte na ilapit ang bansa sa China, hindi lang sa karagatan natin pumapasok ang China kundi dito rin sa loob ng bansa. Ipi­nagmamalaki na ang buwis na makokolekta umano mula sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ay aabot sa P2 bilyon kada buwan. Siguro dapat silipin ng gobyerno ang mga iligal na negosyo na nagtatayuan na rin sa bansa. Ilan na nga ang isinarang “Chinese only” na kainan, dahil walang lisensiya at dokumentong maipakita. Pero bakit naitayo kung hindi alam ng lokal na pamahalaan?   

Marami na ngang mga taga-mainland China ang pumapasok sa bansa. Ayon sa kilala kong broker, marami ang naghahanap ng matutuluyan habang nagtatrabaho nga sa mga POGO na iyan. May babala naman ang pinuno ng PAGCOR na huwag masyadong patawan ng mataas na buwis ang mga POGO at baka hindi magtagal sa bansa at lumipat sa mas murang lugar para ituloy ang negosyo. Sa ngayon ay maganda ang bansa para sa mga POGO na iyan dahil nga bukas ang kamay ni Duterte sa lahat ng bagay-China. Naaalala ko ang pahayag ni Duterte na walang itatayong casino sa Boracay. Pero ganito naman ang tila pinapayagan. Sana walang masamang kapalit ang pagpasok ng malaking halaga ng buwis mula sa mga POGO at pagpasok ng maraming trabahador mula China.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with