^

PSN Opinyon

Ang salita ng hari hindi nababali

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

NAGSALITA na ang hari na itago natin sa pangalang Pres. Rodrigo Duterte na si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang napipisil niya na maging House Speaker sa darating na 18th Congress.

At ang set-up na gusto ng Presidente ay paghatian nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang Speakership samantalang si Leyte Rep. Martin Romualdez naman ang magiging majority floor leader. 

Sinasabi nga na ang salita ng hari ay di nababali ngunit may mga bulung-bulongan pa rin na posible pa ring iba ang mangyayari sa darating na July 22 kung kailan pipili na ang may higit 200 kongresista ng kanilang Speaker. 

Posible pa nga raw na hindi si Cayetano ang iboboto ng mga kongresista na maging Speaker nila at susuwayin nila ang gusto ng Presidente.

At bubuwelta naman ang Presidente ‘wishful thin-king’ ang sinumang nag-iisip na hindi matutuloy ang pagiging House Speaker ni Cayetano.

May higit isang linggo pa bago ang July 22 na 4th  State of the Nation Address ni Duterte.

May mangyayari kaya sa Lower House gaya ng nangyari noong nagdaang taon nang pinatalsik nila si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker?

Kaabang-abang nga sa Hulyo 22.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with