Nag-hysterical si ‘misa paldo sia’ sa NAIA
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2019 - 12:00am

Nanggagalaiti sa galit si alyas ‘misa paldo sia,’ ang sinasabing ‘reyna’ ng human smuggling sa NAIA, nang bakbakan ng Chief Kuwago the other week kaya naman nag-hysterical ito sa airport.

Sabi nga, nagmistulang matulis na kabayo ang gaga dahil inaway ang lahat ng mga pinaghihinalaan niyang nagbigay ng impormasyon sa atin.

Naku ha! Ano ba iyan? 

Pinitik pa lang ng Chief Kuwago si kamote dahil sa mga sumbong sa atin na sangkot ito sa human smuggling sa airport. Paging NBI - NAIA.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bakit magagalit si kamote sa Chief Kuwago, eh, totoo naman ang sinasabi ni ‘amo’ laban sa kanya.

Si alyas ‘misa paldo sia’ ang nangangamada ng mga perang nakolekta sa pamamasahero sa kanyang area of responsibility.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi totoo ang sinasabi ng Chief Kuwago, dapat lumantad si alyas ‘misa paldo sia’ para sa patas na pamamahayag.

Ang masama kasi, ‘totoo.’ Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ang isa sa dapat tanggalin sa NAIA dahil anay ito rito at isa ito sa mga galamay ng mga sindikato ng human smuggling na natitira sa paliparan.

Abangan.              

* * *

Si Congressman... naman, naman! 

DAPAT busisiin at huwag kunsintihin ang pang-aabusong ginawa ni Ang Probinsyano partylist 1st nominee Alfred delos Santos laban sa isang pobreng waiter sa isang resto r’yan sa Legaspi City, Albay.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pa man nag-iinit ang puwitan ni delos Santos sa pagiging tongresman, este mali, kongresista pala ay may isyu na agad ito ng pang-aabuso.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi dapat pagtakpan ng kanyang mga kasamahan sa partylist at maging sa Ethics Committee sa Kongreso ang ginawa ni delos Santos.

Hindi nagbigay ng ibang detalye ang pulisya tungkol sa ‘punching incident’ ni delos Santos laban kay Christian Kent Alejo habang kumakain ito sa isang resto sa Legaspi City kasama ang kanyang mga friends.

Sabi nga, dapat walang kilingan ang gagawing pagsisiyasat kung dapat suspindihin si delos Santos ng kanyang partymate. Gawin nila o alisin nila sa kanilang samahan kung nakitaan nila ng pang-aabuso.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat din bigyan ng chance si delos Santos para maipaliwanag niya ang kanyang sarili kung bakit may nangyaring insidente para magkaroon ng patas na desisyon at malaman kung sino ang tama o mali.

Sabi nga, bigyan din ng due process.

‘Huwag kampihan para maituwid sa tama ang mali kung mayroon man.’ sabi ng kuwagong boksingero.

Ano sa palagay ninyo? Abangan.

ALFRED DELOS SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with