Urong sulong si Digong
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2019 - 12:00am

MAHIRAP ispelingin si Pres. Digong Duterte. Ang taumbayan ay litung-lito na sa kanyang mga desisyon para sa bansa, dahil sa kanyang pabagu-bagong desisyon. Sa tingin ko pati ang kanyang mga spokesmen ay hirap din ang katayuan sa kanilang boss. Halimbawa na lang ang tungkol sa magiging speaker ng House of Represen­tatives sa darating na 18th Congress.

Nung una sinabi niyang hindi siya makikialam sa pagpili ng magiging Speaker dahil lahat sila ay malalapit na kaibigan nya. Ngayon anong nangyari at biglang kambiyo si Digong? At sinabing term sharing ni Taguig Rep Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Hindi maganda sa tingin ng nakararami ang ganitong uri ng pamumuno sapagkat maguguluhan sa pagpasa ng bills. Dapat pumili ang majority ng kongresista na neutral at swak diyan si Davao Rep. Isidro Ungab. Ma­gandang suggestion ni Mayor Sarah Duterte si Ungab para maging Speaker ng House of Representatives.

Mas naniniwala ako kay Ungab kaysa sa mga nagkakarerahan sa puwestong sina Cayetano, Velasco at Romualdez. Kahit hindi ko gaanong kilala si Ungab, maganda naman ang background at performance niya sa kongreso. Siya ay management degree sa AIM at Bachelors Degree sa UP Los Baños. Nakaapat na termino bilang kongresista at nagserbisyo sa dalawang importanteng committee sa kongreso.

Magulo ang term sharing mas maigi kung pumili na lang ng Speaker hanggang matapos ang termino ni Pre­sident Digong. ‘Yan ang mahirap sa ating mga Pinoy, nagbabayad ng utang na loob.

Sa kabilang banda, masasabi kong isa na rin si Digong sa magaling na naging Presidente ng bansa. Hindi man perpekto ang kanyang pamamahala sino ba sa atin ang hindi nagkakamali. Madalas mang batikusin, ang gusto ko lang sa kanya nakikiramay sa pamilya ng mga sunda­long namatay sa tawag ng tungkulin.

ALAN PETER CAYETANO LORD ALLAN VELASCO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with