Nakalusot sa kalaboso
IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2019 - 12:00am

(Huling bahagi)

BILANG depensa, tumestigo si Laura na noong araw at oras na iyon ay nasa loob sila ng bahay ng kanyang asawa at apat na taong gulang na anak na babae nang biglang pumasok ang limang armadong lalaki na bigla na lang naghalungkat sa kanilang bahay. Hindi raw siya tumanggi sa takot na saktan sila ng mga lalaki.

Pagkatapos ay dinala silang buong pamilya sa istas­yon ng pulis at kinulong ng dalawang araw na walang pagkain. Pinakawalan ang kanyang mister at anak pero hiningan ng P50,000 kapalit ng kanyang kalayaan. Nang wala silang mabigay na pera ay sinampahan siya ng kaso para sa kunwaring pagtutulak ng droga.

Sa paglilitis, napatunayan ng RTC na walang pasu­baling nagkasala si Laura sa pagbebenta ng 0.08 gramo ng shabu at hinatulan ng halos habambuhay na pagka­kulong o reclusion perpetua pero pinawalang sala siya sa possesion ng 0.14 gramo ng shabu dahil hindi nagta­gumpay si SPO1 Benny na kilalanin siya sa cross-exa­mination.

Pareho ang naging hatol ng CA at sinabing nasunod ang prosesong hinihingi ng batas at napanatili ang integri­­dad at kahalagahan ng ebidensiyang shabu.

Inapela pa rin ni Laura ang naging hatol ng CA at ipi­­nagpilitan na hindi sinunod ng buy-bust team ang prose­song kailangan dahil walang kinatawan ng media at DOJ.

Pinaboran ng Supreme Court si Laura at pinawalang-sala. Ayon sa SC, ang shabu ang corpus delicti o kata­wan ng krimen. Dapat munang patunayan ang integridad at kahalagahan ng ebidensiya. Sa kasong ito kahit pa nagkaroon ng imbentaryo at mga litrato ng kinumpiskang droga sa harap ng kapitan ng barangay ay hindi naman binanggit na may kinatawan din ng media at DOJ.

Ang mga pirma ng kinatawan ay hindi rin nakalagay sa resibo ng imbentaryo. Sa kasong ito, importanteng patunayan ng prosecution na hindi lang ang dahilan kung bakit wala sila kundi katibayan na ginawa nila ang lahat para makakuha ng kinatawan ng media at DOJ.

Dapat ipaliwanag at magbigay ng dahilan ang prosecution sa kapalpakan ng proseso tulad ng (1) hindi nakuha ang kanilang presensiya dahil masyadong liblib ang lugar; (2) delikado ang kanilang kaligtasan dahil sa kung anong puwedeng gawin ng tao/mga taong huhulihin; (3) mga binotong opisyal mismo ang sangkot sa krimen; (4) lahat nang paraan ay ginawa para makahanap ng kinatawan ng media at DOJ sa loob ng 18 oras na dinidikta ng batas alinsunod sa Art. 125 ng Revised Penal Code para makaiwas naman sa arbitrary detention; at (5) oras ang naging kalaban at ang pagmamadali sa pagsasagawa ng mahalagang operasyon ang naging dahilan kung bakit hindi nila nagawang makakuha ng kailangang testigo. Hindi puwedeng ipagpalagay lang ng korte na may ganitong sitwasyon o kung talagang totoong ito ang nangyari (People vs. Cadiente, G.R. 228255, June 10, 2019).

JOSE C. SISON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with