^

PSN Opinyon

Sinibak na on probation employee, nagsumbong sa BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

EIGHTY percent ng mga lumalapit sa BITAG, ang sumbong ay may kinalaman sa trabaho o labor. Mga manggagawang nilinlang at binastos ang karapatan ng mga suwitik na employer.

Oo kilala kami sa pagiging brusko pero may mga sumbong na tulad nito na mas kinakailangan ng paliwanag ng eksperto o ‘yung may posisyon sa sangay ng gobyerno. Hindi ko ugaling magmarunong at magmagaling, kaya may katuwang ang BITAG na mga sangay ng pamahalaan. Madaling sabihin at kilalanin ang “karapatan”. Ang tanong, ayon ba ito sa batas at patas na basehan o pansariling kapritso lang?

Nitong Martes, isang on probation employee ang dumulog sa aming tanggapan. Inirereklamo niya ang di maka­tarungang pagsibak ng kanyang manager sa cruising com­pany. Isang paglilinaw, ang empleyado na on probation­ status ay isinasailalim sa obserbasyon at ebalwasyon na hindi sosobra sa anim na buwan upang malaman ng employer kung ang kanyang kakayahan ay karapat-dapat para maging regular na empleyado ng kompanya.

Sa kasong ito, nasa ikaapat na buwan na ng kanyang probationary ang nagrereklamo. Sa parehong araw ibinigay ang kanyang probationary review at end of probation memo. Ang dahilan ng pagsibak sa kanyang serbisyo, hindi­ siya umano pumasa sa standards ng kompanya. May ilang paglabag din daw siyang ginawa na hindi katanggap-tanggap at reklamo mula sa ilang katrabaho. Ang kanyang reklamo, hindi siya dapat agarang tinanggal. Karapatan daw niyang sumailalim sa due process, gusto niyang ma-reinstate sa kompanya.

Minabuti naming ipakausap kay Ms. Belen Nicasio, Head ng Single Entry Approach (SENA) ng National Labor Relations Commission (NLRC), ang nagrereklamo upang mabigyang linaw ang kanyang sitwasyon. Ayon sa batas, ang employer ay may karapatang magtanggal ng empleyadong on probation kung hindi naging maayos ang kanyang pag-uugali o nagpabaya siya sa trabaho. Isa pang dahilan ay kung ang kanyang performance ay hindi sapat para makamit ang pamantayan ng kompanya.

Gayunpaman, dapat naipaalam sa empleyado ang ganitong patakaran bago pa man siya magsimula sa kanyang trabaho. At kung tanggalin man siya, dapat ay may karampatang panahon para ipaalam sa empleyado. Pagpipilit ng empleyadong nagrereklamo, hindi raw totoo ang mga paratang. Sa kanyang palagay ay pinersonal lamang siya.

Naging disente at mapagpaunlak ang NLRC, inanyayahan nito ang nagrereklamo sa kanilang tanggapan. Maaari nilang ipatawag ang inirereklamong kompanya para maharap ang akusasyon.

Mahirap maging basehan ang palagay lamang. Doon tayo sa naaayon sa batas kaya’t ipinaubaya na ng BITAG sa NLRC ang sumbong na ito. Sa huli, ganoon pa rin ang estado, on probation ang empleyado at may sariling pamantayan ang isang kompanya para sa kanilang mga manggagawa. Ang mahalaga,  na dapat alinsunod din sa batas ukol sa labor.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with