Huwag kang magmagaling, Teddy Locsin
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

KUNG talino ang pag-uusapan, wala akong maipipintas kay DFA Sec. Teddy Locsin. Malawak ang kanyang kaala­man sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno. Bukod sa pagiging batikang manunulat, nagmamay ari rin siya ng isang pahayagan sa ating bansa. Kung naalala n’yo isa si Locsin na magaling na speech writer ni dating Pres. Cory Aquino. Kilalang prangkang tao, walang paki­alam kung nakakasakit siya sa mga sinasagasaang tao.

Sa pagsasabi niyang “boba” si Vice Pres. Leni Robredo ay foul naman yata ito. Hindi niya nirespeto bilang Vice President. Insulto ang ginawa kay Leni. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang opinion. Sa kanyang inasal, nagmukhang kanto boy si Locsin. Ibinaba niya ang pagkatao.

Sa mga natanggap niyang kaliwa’t kanang batikos, ayun humingi siya ng sorry pero para sa akin huli na! Sana naman bilang isang mataas na tao sa lipunan mag-isip muna bago magbitiw ng salita dahil ang sinabihang “boba”, mas mataas ang posisyon sa kanya.

Kung maalaala n’yo isa si Locsin sa bumabatikos sa Chinese nung unang araw na pumutok ang balitang binangga ang bangkang pangisda ng mga Pilipino. Pero ngayon, nag-iba ang ihip ng hangin nang magtalumpati ang kanyang among si Digong Duterte. Sinabing isa lang itong maliit na aksidente sa ating karagatan na dapat nang huwag palakihin ang issue. Kaya si Locsin ay agad kumambiyo sa kanyang pananalita.

Bilib ako kay VP Leni dahil hindi niya pinatulan ang patut­sada ni Locsin. Tama lamang ang kanyang ginawa. Hindi nakakabawas ng pagkatao ang pumatol. Mas ma­ganda siguro kung sila’y unawain.

LENI ROBREDO TEDDY LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with