Top 5 na sakit ng Pilipino
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

1. High blood pressure o altapresyon.

Kapag ang blood pressure n’yo ay palaging lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may high blood pressure o altapresyon ka na. Isa sa 4 na Pilipino ay may high blood pressure. Ang normal na blood pressure ay mas mababa sa 140 over 90.

Heto ang tips: (1) Magbawas ng timbang; (2) Magbawas sa pagkain ng maaalat. Umiwas o magbawas sa paggamit ng asin, toyo, patis at bagoong; at (3) Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Kapag palaging ma­taas sa 140/90 ang iyong blood pressure, kailangan mo nang uminom ng gamot.

2. Diabetes.

Kung ika’y may nararamdamang pamamanhid, laging nauuhaw, madalas umihi, o namamayat, magpa-check sa diabetes. Kapag ang iyong blood sugar ay higit sa 126 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nangangahulugang may diabetes ka na. Umiwas sa dalawang bagay: Matataba at matatamis na pagkain. Mag-ehersisyo rin ng regular at huwag magpataba.

Depende sa taas ng iyong blood sugar, may mga mura at mabisang gamot sa diabetes, tulad ng Metformin at Gliclazide. Kung hindi mo makokontrol ang iyong blood sugar, mapapabilis ang pagdating ng komplikasyon nito.

3. Mataas na cholesterol.

Mataas ang iyong cholesterol kapag lampas ito sa 200 mg/dl. Magdiyeta na. Posibleng kailangang uminom ng gamot kapag lampas sa 240 ang cholesterol. Subukang magdiyeta ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at icing muna. Pagka­raan ng 2 buwan, ipa-test uli ang cholesterol at kapag lampas ulit sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng gamot na Statins.

4. Sakit sa kidneys.

Kung mayroon kang diabetes o high blood pressure, kailangan mong bantayan ang iyong kidneys. Ang diabetes­ at high blood ay nakasisira sa kidneys. Kadalasan ay walang nararamdaman ang mga taong may sakit sa kidneys. Kapag may kidney failure na, humihina na ang daloy ng ihi.

Heto ang tips: (1) Bawasan ang alat ng pagkain; (2) Limitahan ang protina sa pagkain. Mas kumain ng isda, gulay at prutas; (3) Iwasan ang pag-inom ng pain relievers (gamot sa kirot); (4) Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw.

5. Cancer.

Kapag ang isang tao ay wala pang kanser, ang pinakamagandang kainin ay ang tatlong K: kamatis, karrots at kalabasa. Puwede rin ang mga pagkaing ito para makaiwas sa kanser: green tea, curry powder, bawang, sibuyas, sibuyas dahon (leeks), repolyo, cauliflower, tofu o tokwa at talong. Damihan ang pagkain ng anti-cancer foods. Bawasan ang pagkain ng mga hindi masustansiyang pagkain tulad ng baboy, baka, hotdog, bacon, ham at longganisa.

BLOOD PRESSURE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with