^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 5 minuto lang mula Cubao pa-Ayala

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - 5 minuto lang mula Cubao pa-Ayala

KAYA naman ang 5-minute travel time mula Cubao­ patungong Ayala. Ito ay kung magtu­tulung-tulong ang Highway Patrol Group, Metro Manila Development Authority, Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board at isama na rin ang mga local traffic enforcers ng mga lungsod na nasasakop sa EDSA. Tiyak na makukuha ng motorista ang limang minutong biyahe gaya ng gusto ni Pre­sident Duterte.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Presidente na gusto niya na ang travel time mula Cubao patungong Ayala via EDSA ay limang minuto lamang. Gusto niya bago mag-December ng taong kasalukuyan ay maipatupad ang ganito kabilis na pagbibiyahe. Gusto niya na hindi mahirapan ang ma­mamayan sa araw-araw na trapik na nararanasan sa EDSA.

Ang sinabi ng Presidente ay umani nang maraming puna. Imposible raw na mangyari ang gusto niyang limang minutong biyahe mula Cubao patungong Ayala. Karaniwang dalawang oras ang biyahe sa mga nabanggit na lugar o higit pa dahil sa sala-salabat na mga sasakyan partikular ang bus na nagsasakay o nagbababa sa maling lugar. Idagdag pa ang mga hindi disiplinadong motorista. Hindi raw kaya ang limang minutong biyahe.

Pero para sa amin, makakaya ito. Walang hindi kakayanin kung mag-iisang puwersa ang mga kinauukulang sangkot sa pag-aayos ng trapiko. Makakaya ang limang minutong biyahe kung madidisiplina ang mga bus na huwag magsakay at magbaba sa maling lugar. Hulihin ang mga colorum para mabawasan ang mga pasaway. Alisin ang mga sagabal sa daan gaya ng mga tindahan at iba pang istruktura. Alisin ang mga orange barriers na sagabal lang sa trapik. Disiplinahin ang mga corrupt na traffic enforcers. Iwasan din ang pagsasaayos sa kalsada sa rush hour.

Makakaya ang limang minutong biyahe kung magtutulungan at magkakaroon ng disiplina. Walang hindi makakaya.

vuukle comment

HIGHWAY PATROL GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with