EDITORYAL - PNP, pinasama ng aroganteng general
(Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2019 - 12:00am

HINDI tumitigil si PNP chief General Oscar Alba­yalde para maibangon ang imahe ng pinamumu­nuang organisasyon at maibalik ang tiwala ng ma­mamayan. Pero kabaliktaran naman ang ginagawa ng ilang miyembro ng PNP na pinasasama sa mata ng mamamayan. Sa halip na tumulong para maiangat ay lalo pang ibinabagsak.

Hindi lang ang mga patrolman ang gumagawa ng palso kundi maging ang mga matataas ang ranggo na kinabibilangan ng mga heneral. Kaya hindi masisisi ang taumbayan kung maging masama ang tingin sa mga pulis dahil pati ilang heneral ay ba­rumbado ang ugali na akala mo ay sila na ang “hari”. Nagkaroon lang ng “estrella” sa balikat ay yumabang na at lumaki ang ulo.

Ganito ang inasal ni dating Eastern Police Director P/Brig. Gen. Christopher Tambungan noong nakaraang Mayo 12, 2019 na naging dahilan para alisin siya sa puwesto. Dahil sa pagiging arogante, nawala sa kanya ang mataas na posisyon na ninanais ng mga pulis.

Nag-viral sa social media ang ginawang panana­kit at panghahampas at pagsalya ng pintuan ng sa­sakyan ni Tambungan sa isang babaing pulis na nakilalang si P/Cpl. April Santiago noong Mayo 12, bis­peras ng eleksiyon. Kitang-kita na napaatras si Santiago nang tamaan nang malakas na pagkakasalya ni Tambungan sa pintuan ng sasakyan. Bukod sa pananakit, pinagsalitaan pa rin nang hindi maganda ang babaing pulis.

Ayon sa report, ikinagalit ni Tambungan nang hindi siya mabigyan ng patrol car para maeskortan patu­ngo sa isang restaurant na pagkikitaan nila ni PNP chief General Albayalde. Wala umanong sasakyan ayon kay Santiago dahil ng mga panahong iyon ay abala ang mga pulis sa Comelec checkpoint. Pero para kay Tambungan, hindi iyon rason kaya nag-init ang kanyang ulo at napagdiskitahan ang kawawang babaing pulis.

Hindi lamang si Albayalde ang nadismaya sa ginawa ni Tambungan kundi maging si National Capital Region Police Office chief P/Maj. Gen. Guil­lermo Eleazar. Sa galit ni Eleazar, hinikayat niya si Santiago na kasuhan si Tambungan.

Nawala ang posisyon na pinangarap ni Tambu­ngan dahil sa maling ginawa. Sana, hindi siya tularan ng iba pang heneral. Matuto na rin sana siyang maging­ mapagkumbaba.

OSCAR ALBA­YALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with