May pinapaboran ba si DOTr Sec. Tugade?
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2019 - 12:00am

SINUSUPORTAHAN ko ang modernization program ng Department of Transportation (DOTr) para sa mga pampublikong sasakyan. Ang programang ito ang magiging daan para maging maayos at ligtas ang PUVs. Ngunit maisasakatuparan lamang ito kung magiging maayos ang Land Transportation Office (LTO). Anong nangyari sa motor vehicle inspection centers (MVICs)? Sumablay ang dating pamunuan ng LTO sa P437.9 million na motor vehicle ins­pection system (MVIS) program na kinuwestiyon ng COA kaya binuksan ng DOTr na makapasok ang pribadong sector at tinawag na privately-operated motor vehicle inspection centers (PMVICs).

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, bagamat mara­ming private entities ang nagsumite ng applications para sa PMVIC, 15 pa lang ang kanilang nabigyan ng notice to proceed. Target ng LTO na makapaglagay initially ng 138 PMVIC with modern and fully computerized facility sa buong bansa. Ayon pa kay Galvante, hindi kailangan ang bidding dito dahil walang pondo ng gobyerno na gagamitin kundi investment ito ng pribadong kompanya. Pero bakit hindi pa ito nasisimulan? Dahil dito manual inspection ang ginagawa sa mga sasakyan para sa requirement ng renewed of registration.

Kung manu-mano ang gamit ng LTO para madetermina kung ang behikulo ay roadworthy, may human intervention pa rin. Lulusot pa rin ang mga bulok at karag-karag na sasakyan. May panawagan ang mga aplikanteng pribadong investor kay Secretary Tugade na alamin ang dahilan kung bakit mabagal ang proseso ng kanilang aplikasyon.

Dapat ay magpaliwanag kay Tugade ang panel ng autho­rization committee na pinamumunuan nina Giovanni Lopez at Mark Steven Pastor. May moro-moro ba?  Ilang beses na raw nire-revise ang guidelines para sa nagku-qualify na private inspection centers kahit walang public consultation. Hindi kaya may pinapaburan silang supplier ng equipment at machine? Ang investments ng pribadong aplikante ay P20 million hanggang P40 million, depende sa land and equipment acquisition costs.

* * *

Kinilala ng Philippine Star Social Media ang kabayanihan ng Hyperion  Fire Volunteer ng Bgy, Don Galo, Paranaque City dahil sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, sakuna at sa mabilis na pagresponde sa mga nasusunugan. Ang Hyperion Fire Volunteers ang nagresponde sa nasusunog na Pacific Coast Tower Condominium kamakailan. Ako, kasama si Fernan Nebres, photo chief ng Phil. Star at Henry Liao coordinator ng fire volunteers ang nag-abot ng plake kina Lhen de la Cruz, board of director; Jobet Santos, board of director; Mark Gonzales, Eugene Santos, Miko Santos, Edwin De Leon, Erwin Atienza, Yni Calderon, Billy Guzman at LJ Gonzales mga fire volunteers ng Hyperion. Congrats sa inyo!

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION LAND TRANSPORTATION OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with