Tanggal si Atorni
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2019 - 12:00am

(Huling bahagi)

HINDI naitanggi ni Cedric ang tungkol sa paggamit ng katauhan ng kapatid. Hindi nga niya nakuhang magsumite ng kontra ebidensiya. Inamin din niya nang arestuhin na magkapatid sila ni Markus at magulang nila sina Arturo at Thelma. Inamin din niya na kasal siya kay Ana pero sa marriage certificate ng NSO, lumalabas na ang pangalan ng kanyang asawa ay pangalan ng asawa ni Markus.

Sa imbestigasyon at ulat ng IBP Investigating Commissioner, lumalabas na talagang nagkasala si Cedric sa paggamit ng pangalan at katauhan ng kapatid sa mga rekord sa law school para matanggap na abogado. Ayon sa Supreme Court, hindi talaga kumuha ng eksaminasyon ang totoong “Markus Valdez” at ang rekomendasyon ng IBP ay tanggalin ang pangalan na “Markus Valdez” na gamit ni Cedric sa Roll of Attorneys o listahan ng mga abogado sa Pilipinas.

Tama rin ang IBP na ipag-utos na pagbawalan si Cedric­ sa pagkuha ng Bar exam dahil hindi naman talaga siya na­katapos ng kolehiyo. Ang paggamit niya sa pangalan, katauhan at nakamit na pinag-aralan ng kapatid ay patunay na hindi siya karapat-dapat na kumuha ng Bar exam. Ang pagiging abogado ay hindi karapatan kundi pribilehiyo para sa mga mamamayan na may magandang moralidad at katapatan.

Sa kaso ni Cedric, ipinakita niya na hindi siya tapat at walang kakayahan na gampanan ang tungkulin ng isang abogado dahil ninakaw niya ang pangalan, katauhan at school records ng kanyang sariling kapatid. Kinaladkad din niya ang pobre sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya at dahil sa takot para sa sarili ay napilitan na tuloy magbitiw sa kompanyang pinapasukan.

Ang kagandahang asal ay importante sa mga abogado para magkaroon ng tiwala sa pagitan niya at kanilang mga kliyente pati sa korte. Dinungisan din ni Cedric ang imahe ng mga abogado dahil sa kanyang mga ginawa. Dapat lang tanggalin ang pangalan na “Markus Valdez” sa Roll of Attorneys at pagbawalan si Cedric Valdez na maging miyembro ng Philippine Bar at kailanman ay huwag nang payagan na gamitin ang kanyang pagiging abogado sa bansa (Coronan vs. Coronan, A.C. No. 11316, July 12, 2016). 

SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with