Lapu-Lapu, ang bagong pangalan ng Mactan Airport
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2019 - 12:00am

APROBADO na sa botong 189 mga kongresista ang House Bill 9198, na gawing Lapu-Lapu-Cebu International Airport Authority, ang pangalan ng paliparan at puede nang ibasura ang Mactan-Cebu International Airport. 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung tutuusin si Lapu-Lapu ang unang bayani ng Philippines my Philippines.

Anong say mo?

Ang House Bill 9198 ang ipinalit sa HB 8170. 

Ano sa palagay ninyo ?

Tama ba?

* * *

Patok si Cayetano bilang ‘Speaker’ sa kanyang qualification

KAPANG-KAPA ni newly elected Taguig Rep. Alan Cayetano ang mga gusto at galaw ni Boss Digong lalo’t ito ay para sa kapakinabangan ng madlang people of the Philippines my Philippines.

The other day, bago mag-say goodbye si Boss Digong going Bangkok, binulungan niya ang karamihan sa mga kongresista tungkol sa isyu ng diumano’y pangho-hostage sa 2019 ‘national budget’ kaya naman ang proyektong naka-programa sa gobierno ni Boss Digong ay nakamote ang karamihan sa mga ito.

Sabi nga, sayang ang oras dahil may mga delays na nangyari ? 

Kaya naman hiniling ni Cayetano sa mga kasamahang kongresista na bilisan ang pagtalakay sa national budget sa pagbubukas ng Kongreso.

Nagpa-isponsor kasi si Alan ng economic workshop para sa mga kongresista na dinaluhan ng mga kalihim ng DPWH at DoF at mga matataas na opisyal ng DoTr, BCDA at ang Build, Build, Build team.

Ika nga, masaya ang sama-sama kung ang mga proyekto ni Boss Digong ay bibigyang prioridad ng kanyang mga kasamahan sa pamahalaan para pakinabangan ng husto ng madlang Pinoy.

Gusto kasi ni Alan na maunawaan ng mga kongresista  kung ano ang mga priority programs ng administrasyong Duterte.

Sabi nga, walang ibang layunin si Cayetano sa kanyang speakership bid kundi susugan at ipatupad ang mga programang inilatag ni Boss Digong sa madlang public.

Ano sa palagay ninyo? Abangan.

MACTAN-CEBU INTERNATIONAL AIRPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with