^

PSN Opinyon

Pagbabago sa POC

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKALULUNGKOT na ang pulitika ay sumasakop pati na sa mga non-political organizations. Nagbitiw na “irrevocably” si Ricky Vargas bilang presidente ng Philippine Olympic Committee (POC).

Sayang. Hindi na maisusulong ang mga repormang pinaplano niya para sa organisasyon.  Nauna nang sinabi ni Vargas na hindi siya sanay sa dirty politics sa organisasyon. Ang ibig niya ay gawing “honest” at “less political” ang POC.

Tingin ko, hindi na masikmura ni Vargas ang intriga, pulitika at korapsyon sa POC na sa loob ng 13 taon ay pinagharian ni Peping Cojuangco. Ang tanong - sino pa ang mga natitirang tapat, may integridad at prinsipyo sa POC?

Si Congressman Bambol Tolentino, na POC chairman­ din ang maaaring magpatuloy sa mga plano ni Vargas. Hangad ni Tolentino na magkaroon ng pagbabago sa POC. Nagpahayag siya ng planong magpatawag ng special election para sa bagong presidente ng POC na balak niyang gawin sa General Assembly ng POC bukas, June 25. 

Ayon sa POC By-laws, ang presidente ng POC ay da­pat na presidente rin ng isang Olympic Sport-National Sports Association (NSA). 

Anang Article 7 Section 11 - ang presidente ay dapat na hindi bababa sa apat na taong karanasan bilang NSA president ng isang Olympic sport sa panahon na siya ay mahalal na presidente ng POC. Dapat din siyang aktibong miyembro ng POC General Assembly sa dalawang magkasunod na taon at dapat na nahalal mula sa kasaluku­yang hanay ng mga presidente ng NSA-Olympic sport. 

Si 1st vice president Jose Romasanta ay vice president­ lang ng NSA-volleyball, samantalang si 2nd VP Antonio Tamayo ay presidente ng NSA-soft tennis, na hindi Olympic sport. Hindi kwalipikado ang dalawang ito na maupo bilang presidente ng POC. Gagawin lamang ni Tolentino ang kanyang katungkulan bilang chairman sa pagpapatawag ng eleksyon para sa bagong presidente.

Wala na nga yatang paki ang ilang opisyal na ito kung magtagumpay ba o hindi ang Pilipinas sa pagho-host ng Southeast Asian Games ngayong Nobyembre. Basta ang pinangangalagaan lang nila ay ang kanilang sariling interes.  Dapat ay makapaghalal ng isang matino, at marahil, kasing tapang ng Pangulong Digong para maituwid ang mga mali sa POC. 

Kailangan ni Tolentino ng isang matatag na kakampi sa loob ng organisasyon para matupad ang layunin ni  Taguig-Congressman elect Alan Peter Cayetano, ang chairman ng  Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, na gawing “best hosted and most viewed” ang SEA Games ngayong taon sa Pilipinas. Higit pa diyan,  kailangan ni Tolentino ng kakampi para matigil na ang pamumulitika at korapsyon sa POC. 

vuukle comment

RICKY VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with