^

PSN Opinyon

San Leonardo Police, hindi pa tayo tapos!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAKAKALOKO ang kaso nitong isang reklamong inilapit sa BITAG nitong nakaraang Huwebes.

Isang mister ang kasalukuyang nakakulong sa San Leonardo, Nueva Ecija Municipal Police Station kasama ang 3 pang kalalakihan kung saan 2 sa kanila ay menor- de-edad. Suspek ang mga ito sa isang malaking nakawan sa isang ricemill sa nasabing probinsiya. Ang lumapit sa BITAG, ang misis ng mister na suspek kasama ang 3 paslit at 1 sanggol na anak. Napagbintangan lamang daw ang kanyang mister, wala raw itong kasalanan.

Hunyo 17 ng madaling araw daw nangyari ang panlo­loob kung saan nasa Bulacan naman daw ang kanilang pamilya. Hapon inimbita raw ang kanyang mister ng mga pulis, saksi ang kanilang mga kapitbahay, hindi na ito naka­uwi pa. Ang masaklap, nagagalit daw si hepe at mga pulis sa istasyon nang dalawin niya si mister sa kulungan. Ayaw daw ng mga pulis na hatiran niya ng pagkain ang kanyang asawa.

Hindi nabigo ang BITAG na makausap ang isa sa mga pulis na may hawak sa kaso. Subalit sa pahayag ni P/SSGT. Paolo Garcia, umaga nila hinuli ang suspek dahil pasok pa ito sa tinatawag na warrantless arrest.

Ang pinaka-nakakaloko sa kasong ito, may sulat ang Public Attorney’s Office (PAO) ng Cabanatuan, Nueva Ecija kay Fiscal Christopher Singson na palayain ang mga suspek dahil Hunyo 19 na ay wala pang naisasampang kaso laban sa mga ito. Malinaw na ito’y illegal detention dahil lumampas na sa 36 oras na wala pa ring kaso ang mga suspek.

Dahil hindi na rin makalusot, inamin ng pulis na si Garcia na pananagutan ni Piskal Singson kung bakit na-inquest ang mga suspek ng walang kasamang abogado. Aniya, hindi niya trabaho ‘yun at responsibilidad ito ni Piskal.

Marami pa kaming nadiskubre, mula sa P50-million na sinasabing ninakaw na mga alahas at pera na hindi naman detalyado, hanggang sa ayaw irelease na inquest paper ng tanggapan ng piskal.

Paano? Alam n’yong hindi nag-iimbestiga ang BITAG ng nakaupo at dumadakdak lang sa mesa. Abangan ang mga susunod pang detalye at resulta ng imbestigasyon na ito. Dahil bubukulan ng BITAG ang may kalokohan sa kasong ito. Uploaded na sa YouTube ang part 1, “Pulis kinulong 36 hrs, tinago pa, hulog sa BITAG!’’

vuukle comment

PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with