^

PSN Opinyon

EDITORYAL - PNP, hinahamon ng riding-in-tandem

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - PNP, hinahamon ng riding-in-tandem

PATINDI nang patindi ang riding-in-tandem sa paggawa ng krimen. Wala nang kinatatakutan. Lahat ng mga nangyayaring krimen sa kasalukuyan ay kagagawan ng riding-in-tandem at hindi sila nadadakma ng mga pulis. Naging kulelat ang Philippine National Police (PNP) sapagkat walang riding-in-tandem na nahuli makaraang maisagawa ang krimen. Walang report na nakipagbarilan ang mga pulis sa sumalakay na riding-in-tandem.

Ang masakit pa, pati pulis na nakamotorsiklo, itinutumba na ng riding-in-tandem. Mukhang mas mahusay dumiskarte ang mga ito sapagkat hindi natutunugan o nararamdaman ng mga pulis. Nasaan ba ang mga pulis at nalulusutan ng mga killer na magkaangkas sa motorsiklo?

Tumirada na naman ang riding-in-tandem noong Biyernes at isang pulis ang pinagbabaril sa Boni Serrano Ave., Quezon City, malapit sa Camp Crame. Ang napatay ay si P/Staff Sergeant Fernando Diamzon, ng Intelligence Group. Pauwi na si Diamzon galing Crame nang tambangan ng riding-in-tandem. Blanko ang pulisya sa pagpatay kay Diamzon.

Kamakailan lang, pinagbabaril din ng riding-in-tandem ang isang lady prosecutor sa Calapan City, Oriental Mindoro. Ayon sa Mimaropa police, dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo ang bumaril sa fiscal dakong 9:30 ng umaga. Pagkaraang barilin, mabilis na tumakas ang mga salarin. Blanko ang pulisya sa motibo ng pamamaril sa lady prosecutor na himalang nakaligtas.

Riding-in-tandem din ang pumatay sa dating mamamahayag na si Adam Moraleta na pinagbabaril malapit sa bahay nito sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City, ilang linggo na ang nakararaan. Ayon sa mga nakasaksi, nakita nilang dumating ang riding-in-tandem at pinagbabaril ang dating mamamahayag.

Hindi lamang sa pagpatay lumilinya ang riding-in-tandem kundi pati na rin sa panghoholdap, pang-aagaw ng cell phone, bag at iba pang mahahalagang gamit. Biglang susulpot sa likuran ng biktima ang riding-in-tandem at magdedeklara ng holdap. Sila rin ang nanghoholdap sa mga convenient store, 24-hour eatery, gasolinahan at computer shop.

Hindi na ligtas ang mamamayan sa pagsalakay ng mga criminal na ito. Delikado ang mamamayan. Kung ang pulis ay kayang patayin ng riding-in-tandem criminals, paano pa ang karaniwang mamamayan. Hamon sa PNP ang nangyayaring ito. Ipakita ng PNP na meron silang ginagawa ukol sa mga criminal.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with