Pagkakapatid ang namamayani
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

HINDI bihasa ang BITAG sa mga problemang pamilya subalit sa abot ng aming makakaya pinipilit naming maiayos ang samahan ng magkakamag-anak na nagkalamat ang samahan.

Simple lang naman ang kahilingan ng 85-anyos na lolang lumapit sa aking tanggapan. Maipanawagan ang kanyang kapatid na babaeng 88-anyos. Itinatago raw kasi ng kanyang pamangking hilaw ang kanyang kapatid at nag-aalala na siya sa kalagayan nito. Sana’y mapanood daw ng kapatid ang kanyang panawagan.

Kasalukuyang nasa poder daw ng ampon nito ang kanyang kapatid. Itinatago sa kanya dahil sa usaping pera. Hindi rin daw siya pinapayagan ng pamangking hilaw na makontak ang kapatid. Nangungulila at nahihirapan kaya minabuti ng matanda na sa BITAG dumulog. Nais lang niyang makita ang kapatid at maibsan ang pag-aalala lalo’t kakaopera lang dahil sa diabetes nito.

Kaya matapos mai-ere sa Official BITAG Youtube TV at facebook page ang panawagan ng matanda, lumutang­ kinabukasan sa tanggapan mismo ng BITAG ang inirerekla­mong si Jasmine. Kung hindi pa yata ako ang nanawagan at nagsalitang pasisikipin ko ang mundong ginagalawan niya ay tila wala pa itong balak lumantad para sa pobreng matanda.

Dahilan ng anak-anakan, ayaw daw magpakita ng kanyang ina sa kapatid nito dahil sila’y magkaaway.

Balanse ang BITAG mga boss, pero likas na ang estilo­ kong pagiging skeptic kaya’t anumang paliwanag ni Jasmine­ ay paniniwalaan lang namin kung siya mismo ang tutulong para magkita ang magkapatid.

Agad sinundo ng BITAG staffs si Aling Gertudes papunta sa isang ospital sa Dasmariñas, Cavite kung saan naka-confine si Lola Lolita. Ayon kay lola Lolita hindi naman daw siya tinago ng anak, magpapakita rin naman daw siya sa kapatid pagkamagaling na siya’t malakas.

Bakas ang saya’t kagaangan ng loob ni aling Gertudes ng muling makita at makausap ang kapatid na si Lola Lolita, nalinawan na ang alitang di naman talaga raw nangyari.

Sa mga ganitong sumbong ay tila nakakalimutan na ang ika-5 utos ng Diyos, ang pagalang sa mga magulang, pati na rin ang mga matatandang tumayong magulang di man sila kadugo. Pagkat walang sinuman ang may karapatang mamagitan o maging sanhi ng alitan ng mga magkakapatid lalo na ang mga matatanda.

Layunin ng BITAG na maipakita ang mga solusyong tulad ng nangyari sa sumbong na ito, na anumang sumbong iyan basta umabot na sa aming tanggapan, Aksyon Ora Mismo. Uploaded na sa YouTube BITAG Official ang storyang ito. Panoorin at isabuhay ang aral.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with