EDITORYAL - Ituloy ang pagsasampa ng reklamo
(Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2019 - 12:00am

KAHIT pa sinabi ni President Duterte na maliit na insidente lamang ang pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy na ikinasira at ikinalubog nito, dapat pa ring ipagpa­tuloy ang pagsasampa ng kaso sa sangkot na barko at mga crew nito.

Dahil sa pagbangga sa F/B Gem Ver 1, muntik nang malunod at mamatay ang 22 mangingisdang Pinoy. Pagkatapos banggain, iniwan sila ng Chinese vessel kaya nagpalutang-lutang sila sa dagat sa loob ng maraming oras. Isang barkong pangisda ng Vietnam ang sumaklolo sa 22 mangingisda. Pina­kain­ sila at binigyan ng damit ng mga crew ng Viet­namese vessel.

Pinatotohanan ng kapitan ng Gem Ver na inten­siyon silang banggain ng Chinese vessel. Impo­sible umanong hindi sila makita ng kapitan ng Chinese vessel dahil mayroon silang ilaw sa una­han­, tagiliran at hulihan. Bagong pintura rin ang kanilang bangka kaya makikita agad sila kahit limang milya pa ang layo. Malaki ang paniwala ng kapitan na sinadya ang pagbangga sa kanila. Ganito rin ang sinabi ng iba pang mangingisda.

Tanging ang cook ng Gem Ver ang nagsabing ma­aaring hindi sila nakita ng Chinese vessel kaya sila nabangga. Ayon sa cook, siya lamang ang gising ng mga oras na iyon kaya niya nasabing maaaring hindi sila nakita ng barkong pangisda ng China.

Dahil sa magkaibang salaysay, nagkaroon ng kalituhan at nahati ang opinyon ukol sa isyu. Nadismaya naman ang iba dahil nga minaliit mismo ng Presidente ang insidente. Ayon sa mga nadismaya, paano kung may namatay sa pagbangga, maliit pa rin bang insidente iyon.

Kahapon, sa pinaka-latest na TV report, nag-sorry na umano ang mga mangingisda sa Presidente dahil sa sinabi nilang intensiyong pagbangga ng Chinese vessel.

Maaaring tapos na ang isyung ito at lalabas ngang hindi sinasadya ang pagbangga pero dapat pa ring magreklamo sa United Nation dahil sa pag-abandona sa mga mangingisdang nalulunod. Malinaw na may paglabag ang crew ng Chinese vessel.

CHINESE VESSEL RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with