Mambabatas at Cabinet secretaries nagpulong na
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2019 - 12:00am

TURNING vision into reality. Iyan ang layunin ng kauna­-una­hang pulong ng mga Mambabatas at miyembro ng Gabinete na pinangunahan at inorganisa ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano. 

Bago pa man mag-bukas ang session, nakipagpulong na ang mga mambabatas sa mga miyembro ng gabinete ni Presidente Duterte sa Clark sa Angeles City. Ito ay upang magkaroon ng meeting of the minds sa mga panukalang batas na dapat mapagtibay at bigyang prayoridad.

 Makatutulong  ito sa mga kongresista na bubuo ng mga bagong batas dahil sa mismong mula sa Cabinet secreta­ries maririnig ang mga plano ni Duterte sa natitirang tatlong taon ng kanyang termino bilang Presidente.

Dumalo sa pulong sina Finance Secretary Carlos Do­minguez, Transportation Secretary Arthur Tugade at Public Works Secretary Mark Villar. Sa halip na isang simpleng seminar tungkol sa parliamentary rules and procedures sa Kongreso para sa mga bagong mambabatas, minabuti ni Cayetano na maging mas makabuluhan ang pagtitipon kaya’t inimbita niya sina Dominguez, Tugade at Villar. May ibang seminar on parliamentary procedures na puwedeng daluhan ang mga bagitong mambabatas, pero wala silang makakausap na Cabinet officials para mahingan ng payo o maidulog ang kanilang mga panukala. 

 Ang forum na ito ay hosted din ng mga lider ng iba’t ibang political party, tulad nina  Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at Deputy Speaker Raneo Abu ng Nacionalista Party (NP); San Juan Rep. Ronnie Zamora, Cavite Rep. Bambol Tolentino, Mandaluyong Rep. Boyet Gonzales at Laguna  Rep. Dan Fernandez ng PDP-Laban; at Antipolo Rep. Robbie Puno, Dasmariñas City Rep. Pidi Barzaga at Masbate Rep. Bong Bravo ng National Unity Party (NUP). 

 Minarapat ni Cayetano na tipunin ang mga kapwa mambabatas at Cabinet officials para maipaliwanag ang programang reporma ng administrasyon. Hindi na bagito si Cayetano dahil dati siyang senador at congressman. Alam nya ang kahalagahan ng mga briefing at pagpupulong sa mga miyembro ng Gabinete bago magbukas ang Kongreso. Dating foreign affairs secretary rin si Cayetano kaya alam din niya ang mga prayoridad ng Malacanang. 

 Hindi pangangampanya ang layunin ng forum, pero kung may ilang nagpipilit na gawin itong pulitikal, Eh di sige. Pero ito ang pag-isipan nila ngayon: Si Cayetano lang ang may kakayahan na  lumapit at paunlakan agad ang imbitasyon nya ng mga Cabinet officials na malalapit sa Pangulong Duterte. Ang mga inimbita ni Cayetano, lalo pa nga si Dominguez, ang pinakikinggan ng Pangulo. 

ALAN PETER CAYETANO. RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with