^

PSN Opinyon

Warriors-Team Philippines

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

HINDI rin umubra ang aura ng pamosong koponang Golden State Warriors (GSW) sa binangga nitong bagito sa Championship experience na Toronto Raptors. Sa huli, naging pabigat ang kawalan ng mga star player ng GSW na pawang mga nabalda. Hindi tuloy nabigay nito ang nararapat na kumpetisyon sa Team ng Toronto na mahirap na nga talunin kahit pa naging buo at malusog ang buong team ng Warriors.

Subalit hindi maitatatwa na ang puso ng Pinoy ay nasa Golden State pa rin. Malaking bahagi ng kanilang fans ay ang mga migranteng Pilipino na sa paligid ng Oakland, Cali­fornia nakahanap ng kanilang kapalaran. Karamihan ay walang sawang tumaguyod sa team kahit pa noong mga dekada 90 na wala pa itong naaaninag na kinabukasan sa mataas na antas ng NBA basketball. Ang sikat noong grupo sa California ay ang Los Angeles Lakers, ang team ni Magic Johnson at Kareem Abdul-Jabbar. Sa kabila nito, maaasahan pa rin ang loyalty ng warrior fans – kahit bota lagi, wala pa ring iwanan. 

Nang umpisang manalo ang Warriors team at nang maka­mit ang unang kampeonato noong 2015, nasagot ang dasal ng Pinoy fans. At nang umalagwa ito hanggang 2018, wala nang Team na sinundan ng Pilipino nang higit pa sa GS. Siyempre, nakatulong din na ang kanilang panguna­hing manlalaro, si Stephen Curry, dahil hindi kalakihan, ay mas akma ang larong outside shot sa Pinoy-style kaysa roon sa balyahang Kano-style.

Ang pagpapahalaga at pagpapasalamat ng organi­sas­yong GSW ay napapatunayan taun-taon sa pamama­gitan ng kanilang Filipino Heritage Night. Sa isang gabi, pinaparangalan ang lahing Pilipino at kinikilala ang mga kontribusyon nito sa lipunan. Kitang-kita rin ang paglahok­ ng mga empleyadong Pilipino ng GSW organization sa Oracle­ stadium. Kapag nataong makapanood ka roon, mapupuna mo ang marami-raming Pinoy na namamahala sa mga trabaho at gawain tuwing may laro.

Natalo man ang GS Warriors sa natatanging NBA Champion na Toronto Raptors, hindi pa rin ito ipagpapalit bilang No. 1 team sa puso ng Pilipino.

vuukle comment

TORONTO RAPTORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with