EDITORYAL - Baradong imburnal, basura sa estero, linisin na
(Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

DINEKLARA na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na panahon na ng tag-ulan. Sabi pa, mga tatlong bagyo ang maaaring tumama sa bansa sa susunod na buwan. At dahil dito, tiyak na daranasin na naman ng mamamayan ang perwisyong baha, partikular na sa Metro Manila.

Isa sa mga dahilan kung bakit bumabaha ay dahil sa mga baradong drainage at mga esterong umaapaw ang basura. Basura ang mga nakabara sa mga dalu­yan ng tubig – mga basurang plastik! Karaniwang mga sachet ng shampoo, 3-in-1-coffee, straw ng softdrink at milktea, cup ng noodles at plastic bottles ng softdrinks ang nasa estero.

Ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nangangasiwa sa de-clogging ng mga imburnal at paghakot sa mga basurang nasa estero. Kung hindi nila magagawa ang paglilinis sa mga drainage at estero, lulubha ang pagbaha.

Madaliin din naman ng DPWH ang pagsasaayos ng mga canal para mabawasan ang pagbaha sa Maynila. Ang drainage project sa Bustillos, Sampaloc ay ilang taon nang isinasaayos pero hanggang ngayon, hindi pa natatapos. Ganito rin ang senaryo sa España Blvd. na hindi pa natatapos ang drainage sa center island. Ang España Blvd. ay lagi nang suki ng mga pagbaha taun-taon. Noon pa, tanawin na sa panahon ng tag-ulan ang tila dagat-dagatang España.

May pagbaha rin sa Rizal Avenue hanggang R. Papa St. sa Maynila. Umaapaw sa baha ang estero sa R. Papa St. at inaabot ng hanggang dibdib ang tubig. Basura ang dahilan kaya may pagbaha sa lugar.

Ganito rin naman ang tanawin sa Quezon Avenue cor. Biak na Bato sa Quezon City na hindi mada­anan dahil sa baha. Matagal nang nagdurusa ang mga residente sa lugar ganundin ang mga motorista pero hindi masolusyunan ang pagbaha.

Isa rin sa mga dahilan nang pagbaha ay ang mga tumigas na semento sa mismong drainage. Nangga­ling ang semento sa mga ginagawang condominium­. Kabi-kabila ang mga ginagawang condominium sa Metro Manila sa kasalukuyan. Kung hindi­ maghihigpit ang MMDA, DPWH at mga local na pamahalaan sa mga condo owner sa pagsasaayos ng kanilang dumi, matindi pang pagbaha ang daranasin ng mamamayan sa Metro Manila.

RAINY SEASON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with