Nagpahayag na
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

ETO na nga ba ang sinasabi ko. Nagpahayag na ang embahada ng China sa bansa na walang naganap na “hit and run”. Nakahinto raw ang barkong Yuemaobinyu 42212 nang paligiran daw ng pito o walong bangkang pangisda ng Pilipinas. Sa takot ng barko, mabilis na umalis­ sa lugar. Dito na raw naganap ang pagtama sa F/B Gemvir 1 na naging sanhi ng paglubog. Tutulungan pa raw nila pero sa takot na kuyugin ng mga Pilipino, umalis na lang sa lugar. Marami yata akong tanong. 

Kung may pito o walong bangkang pangisdang Pilipino sa lugar, bakit inabot ng dalawang oras bago nasagip ng mga mangingisdang Vietnamese ang mga mangi­ngis­dang Pinoy? Kung may mga bangka ang mga Pilipino sa lugar, dapat sila ang nakasagip sa kanila, hindi ba? At ang barkong pangisda pa ng China ang matatakot sa karagatan? Hindi ba’t sila ang may maraming barko sa lugar, pati mga malalaking barko ng coast guard? Wala bang mas kapani-paniwalang paliwanag sa nangyari?

Ang tanong ngayon ay kung kaninong salaysay ang tatanggapin ng Palasyo, ang kapitan at tauhan ng F/B Gemvir 1, o ang kuwento ng barko ng China? Iginiit ng kapitan ng Gemvir 1 na binangga sila ng barko ng China, inilawan sila at umalis sabay ng pagpatay ng kanilang ilaw. Bakit? Kung totoong may ibang mga bangka ng Pili­pino sa lugar, uunahin pa ba nila na kuyugin ang barko ng China kaysa sa pagsagip sa kanila? Umalma rin si Vice Adm. Robert Empedrad ng Philippine Navy sa pahayag ng China na isang “normal na aksidente sa karagatan” lang ito, dahil binangga na nga sila at iniwan pa. Wala nga namang normal diyan. Ang normal ay tinulungan nila lahat ng tauhan ng lumubog na barko. Iyan ang normal. 

Ayon kay Empedrad, naganap ang insidente sa loob ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ), at hindi sa mga pinagtatalunang isla. Pero tandaan na inaangkin nga ng China ang halos 90 percent ng karagatan, kabilang ang malaking bahagi ng ating EEZ. Kung sadyang binangga, may ipinaaabot bang mensahe sa mga mangingisda natin?

CHINESE VESSEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with