^

PSN Opinyon

Ang ‘manok’ng NP

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGSALITA na si Sen. Cynthia Villar tungkol sa pinapabo­rang maging House Speaker ng Nacionalista Party. Sa napakinggan kong panayam sa radyo, inihayag ni Villar na si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang sinusuportahan ng partido para sa speakership.

Anang number one Senator, “assuming all is equal, siyempre ang mga Nacionalista will go with Alan Caye­tano.” Si Villar ang misis ni Manny Villar na presidente ng Nacionalista Party. Tingin ko ay malaking plus factor iyan laban sa kanyang mga katunggali sa posisyon.

Ayon naman kay Cong. ElRay Villafuerte na isang NP stalwart, determinado ang partido na suportahan si Caye­tano lalo na ang maprinsipyong karakter nito na magandang katangian ng isang speaker.

Tulad ng sinasabi ko sa mga nakaraang kolum, naniniwala rin si Villafuerte na hindi matatawaran ang kakayahan at karanasan ni Cayetano dahil sa mga posisyong hina­wakan niya mula sa pagiging konsehal, kongresista, senador at pagiging miyembro ng gabinete.

At siyempre, may timbang ang 100 porsiyentong suporta ni Cayetano sa mga programa ni President Duterte para sa kapakanan ng taumbayan. Bukod sa NP, nagpa­hayag na rin ang National Unity Party (NUP) na si Caye­tano ang susuportahang speaker dahil ito ay mapagkakatiwalaan at masasandalan ng mga kongresista.

Hindi pa kasama sa bilang ng mga sumusuporta kay Cayetano ang mga kongresista mula sa ibang partido at party-list group na nagpahayag na ng “oo” kay Cayetano bilang speaker ng kamara.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

CYNTHIA VILLAR

NACIONALISTA PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with