Karaniwang aksidente sa karagatan
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2019 - 12:00am

MAY mga dagdag na detalye sa pagbangga sa bangkang pangisda ng Pilipinas ng barko mula China. Natutulog daw ang mga mangingisda nang mangyari. Ang likod ng bangka nila ang tinamaan. Nang magsimula nang lumubog, lumipat silang lahat sa harap para kontrahin ang paglubog.

May dalawang bangka pa pala sila at pinuntahan ang barkong bumangga sa kanila para ipaalam ang nangyari. Kinumpirmang barko ng China. Pero imbis na tulungan sila ay umalis na lang. Dalawang oras inabot bago sila nasagip ng barko mula Vietnam. Naligtas na rin ang mga naiwan sa barko.

Nagsampa na raw ng diplomatic protest sa China ang DFA. Nagpahayag na rin ng pagbatikos ang Palasyo sa insidente. Nagalit daw si President Duterte ayon kay Pre­sidential Spokesperson Salvador Panelo, pero wala pang pahayag mula sa Presidente mismo. Wala talagang ma­katanggap sa ginawang pag-iwan na lang sa kanila ng bu­manggang barko. “Hit and run” nga ang naganap.

Ayon din sa mga mangingisda, mukhang sinadya ang pagbangga sa kanila. Pero sa opisyal na pahayag na inilabas ang Wescom, aksidente raw ang pagbangga sa F/B Gimver 1. Kaninong pahayag ngayon ang tatanggapin? 

Noon pa man, itinataboy na ng mga Chinese vessel ang mga mangingisda natin kapag lumalapit sa ilang lugar, tulad ng loob ng Panatag Shoal. Mensahe na ba ito ng China sa bansa na hindi na sila puwedeng mangisda sa Recto Bank? May lumabas na video sa YouTube kung saan nagpahayag na ang China na dapat daw parusahan ang sinu­mang iyon kahit saang bansa pa ang pinanggalingan. Hindi pa nila inaamin na barko ng China nga ang bumangga dahil kailangan pa ring imbestigahan at makikipag-ugna­yan sila sa mga katumbas na opisyal sa bansa.

Sa ngayon, “karaniwang aksidente sa karagatan” ang tingin ng China. Hindi rin daw dapat pinupulitika ang insidente. Madaling sabihin, at hindi naman mga mangingisda nila ang iniwan na lang sa karagatan. Kung tayo ang nang-iwan sa mga mangingisdang Chinese, karaniwang aksidente rin kaya ang sasabihin?  

Sigurado rin daw ang ating mga mangingisda na barko ng China ang bumangga sa kanila. May lumabas na hinala na baka barko ng ibang bansa tulad ng Vietnam ang bumangga. Sa ngayon, ang pahayag ng mga mangingisda, ang gabay sa patuloy na imbistigasyon. Banta ng Palasyo, puputulin na ang relasyon sa China, kung talagang sinadya ang pagbangga. Parang nakikita ko na “aksidente” ang magiging resulta ng imbestigasyon. 

CHINESE VESSEL FISHERMEN PANATAG SHOAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with